Iniimbestigahan ng Songpa Police Station sa South Korea ang isang Japanese woman na nagnakaw ng halik sa BTS member na si Jin.
Nangyari ang insidente noong June 13, 2024, isang araw matapos ma-discharge si Jin sa mandatory military service, mula sa pagkaka-enlist nito noong December 2022.
Read: BTS member Jin discharged from military service
Dahil si Jin ang kauna-unahang na-discharge sa pitong miyembro ng K-pop supergroup na BTS, nagkaroon siya ng fan meeting.
Ang nasabing meet-and-greet ni Jin ay bahagi ng BTS FESTA, ang annual celebration ng debut anniversary ng grupo.
Read: BTS members to enlist in mandatory military service; will reconvene in 2025
Ginanap ito sa Jamsil Arena sa Jamsil Sports Complex, Songpa-gu, Seoul, na nilahukan ng isang libong lucky fans na may chance makita nang malapitan si Jin at mahagkan.
THE KISSING INCIDENT
Sa mga kuhang video noon, makikitang sa gitna ng meet-and-greet ay isang fan ang humalik sa leeg ni Jin habang ito ay nakayakap sa K-pop idol.
Mapapansin din sa video ang pagkabigla ni Jin sa nangyari at pagiging hindi kumportable nito.

Read: BTS' Jungkook calls out "sasaeng fan" to respect his privacy after receiving food deliveries
Dahil dito, maraming tagahanga ng BTS ang nadismaya sa inasal na ito ng isang fan, gayong malinaw naman daw sa instruction na tanging kaway, yakap, at pakikipagkamay lang ang maaaring gawin kay Jin.
Inakusahan nila ng sexual harrassment ang fan na humalik sa leeg ni Jin.
Ipinagbigay alam din ito ng ibang fans sa Big Hit Music, ang talent management ng BTS, nang padalhan nila ng sulat ang ahensya na nagsasabihing imbestigahan ng mga ito ang nangyari.
Laman ng liham: "During the hug event on June 13th, an individual attempted to kiss Jin on the neck without his consent. This inappropriate behavior not only violated Jin's personal boundaries but also created a potential security risk."
Ayon pa sa Yonhap news agency, nagawa pang isulat sa online blog ng fan ang karanasan niya nang mahalikan si Jin.
Saad daw nito, "My lips touched his neck. His skin was so soft.”
Ito ang naging isang daan para ituloy ng awtoridad ang pag-iimbestiga sa kanyang ginawa dahil malinaw raw na nalabag nito ang Korea’s Act on Special Cases Concerning the Punishment of Sexual Crime.
WHO IS THE woman accused of kissing Jin?
Sa ulat ng ilang Korean media outlet ngayong Sabado, March 1, 2025, natukoy na nila ang babaeng nasa viral video na humalik kay Jin.
Napag-alaman nilang ito'y taga-Japan na nasa edad 50.
Ngunit para sa seguridad nito ay hindi na nila pinangalanan pa.
Ayon sa Songpa Police, napadalhan na nila ng imbitasyon ang Japanese woman para humarap at magpaliwag sa kanyang ginawa.
Hanggang ngayon ay wala pa raw silang tugon na natatanggap.
Read: Meet Jean Garcia's son Kotaro; netizens swoon over resemblance to BTS member V
