PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man marries former classmate's mother, 21 years his senior

He’s 32; she’s 53.
by KC Cordero
Published Mar 7, 2025
Photo of Isamu Tomioka and Midori
AGAINST ALL ODDS! Pinatunayan ng 32-year-old na si Isamu Tomioka na tapat ang kanyang hangarin sa 53-year-old na si Midori kaya pinakasalan niya ito. (Photo: Ohayo Japan Facebook)

Nakilala ni Isamu Tomioka ang kanyang naging wife na si Midori noong siya ay high school pa lang.

Matanda ito sa kanya ng 21 years.

Ito rin ang ina ng isa sa kanyang classmates.

Naging viral sa Japan ang kakaibang love story nina Isamu at Midori matapos nilang mag-guest sa Japanese TV show na Newlyweds Welcome!

Doon ay ikinuwento ng couple ang kanilang relationship.

The couple when they guested in a TV show
Ang couple nang mag-appear sa isang TV show para ikuwento ang kanilang kakaibang love story. Photo: Screenshot at Newlyweds Welcome!
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Isamu na 32 years old na ngayon, una niyang nakita si Midori sa isang parent-teacher event sa kanilang school dahil sinamahan nito ang kaklase niya.

Menor de edad pa siya noon, pero nabighani siya sa kagandahan dito.

Hanggang doon lang ang naging paghanga ni Isamu kay Midori.

Read: Couple sets record for world’s longest kiss; splits after 10 years

ISAMU MEETs EX-CLASSMATE'S MOM AGAIN AFTER 10 YEARS

Makalipas ang 10 years, aksidenteng nakita na naman ni Isamu si Midori.

Muli, na-attract siya sa kagandahan nito at personalidad na matured and dignified.

Kinontak niya ang ex-classmate para makalapit siya kay Midori.

Pero ni-reject ni Midori ang paglapit ni Isamu.

Para sa babae, napakalaki ng agwat ng kanilang edad at dahilan iyon para sabihing hindi sila compatible.

Pero masigasig si Isamu.

Kalaunan, napahinuhod niya si Midori na seryoso siya sa kanyang nararamdaman para rito.

Read: 86-year-old man has 16 wives, 104 children

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MIDORI REJECTS ISAMU’S REQUEST TO MARRY HER

Sa naturang TV show ay ibinahagi ni Isamu na pag-ibig—at hindi paghanga lang—ang naramdaman niya para kay Midori nang muli niya itong makita.

At kahit dalawang dekada ang agwat ng kanilang edad, nagdesisyon siyang ligawan ito.

Sa pamamagitan ng kanyang former classmate, niyaya niya si Midori na kumain sa labas.

Inakala naman ni Midori na ang imbitasyon ni Isamu ay isang casual dinner lang kaya pumayag ito.

Gayun na lang ang pagkabigla ni Midori nang magtapat sa kanya ng pag-ibig si Isamu.

Sabi umano ng binata sa kanya ay gusto siya nito at pakakasalan siya.

Sagot niya kay Isamu, “What nonsense are you talking about?”

Binasted ni Midori noong araw na iyon si Misamu.

Read: Bride freezes mid-ceremony, suffers panic attack on wedding day

ISAMU BECOMES MIDORI’S SPIRITUAL SUPPORT

Hindi naapektuhan si Isamu ng naging rejection sa kanya ni Midori.

Sa loob ng isang buwan, araw-araw niya itong inimbitahan para mag-date.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinagbigyan naman siya nito—ng isang beses lang—for a dinner date.

Para kay Midori, hindi siya dapat nakikipag-date sa lalaking kasing-edad lang ng kanyang anak na babae.

Pero dahil kagagaling lang niya sa isang masalimuot at masakit na divorce, ang presence ni Isamu ay sapat para gumaan ang mga oras at araw niya.

“I have to admit that at that time, he became my spiritual support.”

Madalas din siyang ipasyal ng binata sa iba’t ibang scenic spots.

Read: Meet Manoel and Maria Dino: Couple married for 84 years

MIDORI’S DAUGHTER SUPPORTIVE OF HER FEELINGS

Matapos ang kanilang paglabas-labas, muling nagtapat ng pag-ibig si Isamu kay Midori.

Hiniling niyang gawin nilang official ang kanilang status.

Muli siyang ni-reject ng babae.

Ang nasa isip kasi ni Midori, ano na lang ang sasabihin ng kanyang daughter at ng iba pa niyang kapamilya.

Pero isang mensahe mula mismo sa kanyang anak ang nagpabago ng kanyang disposisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi umano ng daughter ni Midori sa pamamagitan ng isang text message: “If I’m the obstacle, don’t worry about me, just think about your own happiness, mum.”

Dahil doon, nagkaroon siya ng lakas ng loob na sundin ang itinitibok ng kanyang puso para kay Isamu.

Mula noon, nagsimula silang mag-date as a couple.

Read: Dumpster-diving couple saves PHP637K on food in one year

MIDORI’S MOTHER DISAPPROVES OF HER RELATIONSHIP with a YOUNGER MAN

Hindi naging problema ni Midori ang mga parents ni Isamu.

Walang pagtutol ang mga ito kahit ang naging girlfriend ng anak na binata ay mas maedad.

Sa halip, ang parents mismo ni Midori ang may isyu sa kanilang relasyon ni Isamu.

Sabi umano sa kanya ng ina: “You’re a grandmother now.

“After a broken marriage, you should think very carefully before entering this unusual relationship.”

Dagdag pa ng ina ni Midori, mas makabubuti kay Isamu na makipag-date sa kaedad nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Twin couples hold joint engagement ceremony

ISAMU PROVES HIS GENUINE INTENTIONS; MARRIES MIDORI

Muli ay hindi nagpatinag si Isamu.

Sinabi niya sa kanyang future in-laws na walang normal o abnormal pagdating sa marriage.

Ipinakita rin ni Isamu kung gaano siya ka-committed kay Midori sa pamamagitan ng pagbili ng isang bahay para rito na nagkahalaga ng 38 million yen o PHP14,719,224.

The couple
Sa kabila ng mga pag-aalinlangan at iba pang hadlang, nagpakasal sina Isamu at Midori. Photo: Screenshot at Oddity Central
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong July 2024 ay pinag-isang dibdib na sina Isamu at Midori—nang may basbas ng kani-kanilang pamilya.

Ang kanilang kuwento ay isang patunay na love conquers all—at ang malaking agwat ng edad ay hindi sagabal para sa isang tunay at wagas na pag-ibig.

Read: Young woman plays bride in prank wedding; finds out it's for real

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AGAINST ALL ODDS! Pinatunayan ng 32-year-old na si Isamu Tomioka na tapat ang kanyang hangarin sa 53-year-old na si Midori kaya pinakasalan niya ito. (Photo: Ohayo Japan Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results