Mariing itinanggi ng South Korean actress na si Seo Ye Ji ang espekulasyong may espesyal silang relasyon ni Kim Soo Hyun.
Ito'y sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Kim Soo Hyun, makaraang sumambulat sa publiko ang diumano'y lihim na relasyon noon ng aktor sa namayapang aktres na si Kim Sae Ron.
Read: South Korean actress Kim Sae Ron passes away at 24
Ayon sa mga ulat, menor de edad pa lang si Kim Sae Ron nang magkaroon sila ng relasyon ni Kim Soo Hyun na tumagal daw ng halos anim na taon.
Labinlimang (15) taong gulang lang daw noon si Kim Sae Ron, habang si Kim Soo Hyun naman ay dalawampu't pito (27).
Nagsimula umano ang relasyon ng dalawa noong 2015, at nagwakas noong unang bahagi ng 2022.
Lumalabas na walang maayos na pag-uusap sina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron nang sila ay maghiwalay.
Isa ito sa itinuturo ngayong dahilan ng isa sa kaanak ni Kim Sae Ron kung bakit daw piniling wakasan ng aktres ang kanyang buhay noong February 16, 2025, sa mismong araw ng 37th birthday ni Kim Soo Hyun.
SEO YE JI DENIES RELATIONSHIP RUMORS WITH KIM SOO HYUN
Dahil dito, samu't saring komento at haka-haka rin ang ngayo'y naglalabasan tungkol sa pagkakaroon umano ng ibang karelasyon ni Kim Soo Hyun habang sila pa ni Kim Sae Ron.
Isa na sa nadadawit ay ang aktres na si Seo Ye Ji.
Nagkatambal sina Seo Ye Ji at Kim Soo Hyun sa hit Koreanovela series na It's Okay To Not Be Okay (2020).

Read: PH's It's Okay Not To Be Okay Adaptation
Dahil sa chemistry at convincing portrayal nina Kim Soo Hyun at Seo Ye Ji sa kanilang mga karakter, tinutukso sila ng kanilang fans, lalo na't noong mga panahong iyon ay walang karelasyon ang aktor sa pagkakaalam ng publiko.
Sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Kim Soo Hyun, muling binalikan ng netizens ang tambalan ng aktor at ni Seo Ye Ji.
Read: Kim Soo Hyun denies dating claims with late Kim Sae Ron anew
Sa Instagram ni Seo Ye Ji, isang netizen ang nagkomento sa post ng aktres.
Bagamat litrato lang niya ang ipinost ni Seo Ye Ji, nagawa pa rin ng netizen na itanong sa aktres ang totoong ugnayan nito kay Kim Soo Hyun.
Diretsahang tanong nito (as translated in English): "Did you have an affair with Kim Soo Hyun? Please don’t disappoint us a second time. I just read the news on TikTok."
Hindi ito ang unang beses na masangkot ang pangalan ni Seo Ye Ji sa isang kontrobersiya.
Noong 2021, inakusahan siya ng pambu-bully ng mga staff sa mga seryeng kanyang pinagbidahan.
Read: 8 K-Drama Stars Who Got 'Canceled' After Their Breakout Roles
Balik sa Instagram comment, imbes na sagutin sa comments section, minabuti ni Seo Ye Ji na sagutin ito sa pribadong paraan.
Nitong Miyerkules, March 12, nag-post ang aktres sa kanyang fan cafe, kalakip ang screenshot ng komento ng nasabing netizen.
Dito, mariing itinanggi ni Seo Ye Ji ang lumalabas na espekulasyong nagkaroon sila ng relasyon ni Kim Soo Hyun habang nobya pa umano ng aktor si Kim Sae Ron.
Mababasa sa kanyang pahayag (base sa English translation ng Allkpop): "My dearest yeyes [tawag sa fanbase ni Seo Ye Ji] I’m only human… So this has been overwhelming, stressful… and I’m so sick and tired of it all.
"It saddens me and suffocates me… I’ve been holding back and back… but I ended up responding to this comment. I deleted it, though.
"I wish people would… please… stop. I am in no way affiliated with him.
"I don’t even know why I have to explain myself… but I’m just extra frustrated tonight… Good night, yeyes."
ADDITIONAL "PROOFS" OF KIM SOO HYUN-KIM SAE RON RELATIONSHIP
Samantala, as of March 13, patuloy na naninindigan ang ilang nangungunang media outlets sa South Korea na nagkaroon ng relasyon sina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron.
Ito ay sa kabila ng mariin at paulit-ulit na pagtanggi ng kampo ng aktor, at ang babala na magsasampa sila ng reklamo laban sa Garosero Research Institute—ang unang naglabas ng balita, noong March 10, tungkol sa relasyon nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron.
Ang Garoseo Research Institute ay isang independent media platform sa South Korea na nakilala sa pagiging "whistleblower," na kadalasan ay nagbubulgar ng mga pinakatatagong eskandalo sa mundo ng entertainment, politics, at business.
Read: Kim Soo Hyun's agency issues statement on Kim Sae Ron dating rumors
Hindi naman nagpatinag ang Garosero Research Institute sa legal threats mula sa kampo ni Kim Soo Hyun.
Nitong March 12, Miyerkules, naglabas ang Garosero Research Institute ng mga karagdagang ebidensiya bilang patunay na nagkaroon ng relasyon sina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron.
Kabilang dito ang mga larawan mula sa military enlistment ni Kim Soo Hyun (October 2017 hanggang July 2019), intimate photos nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron, at handwritten letters nila para sa isa't isa.





Maliban sa mga larawan at handwritten letters, naglabas din ang Garosero Research Institute ng screenshots ng mga ipinadala umanong mensahe ni Kim Sae Ron kay Kim Soo Hyun.
Kaugnay ito ng loan ni Kim Sae Ron sa Gold Medalist, kung saan dati ring contract star ang aktres.
Read: Kim Soo Hyun faces backlash for dating rumors with Kim Sae Ron
Sa mga mensaheng ito ay nakikiusap ang aktres sa aktor na bigyan siya ng sapat na panahon upang mabayaran ang kanyang pagkakautang na nagkakahalaga ng mahigit 686 million won (27.1 million pesos).
Narito ang English translation ng mensaheng ipinadala umano ni Kim Sae Ron kay Kim Soo Hyun:
"Hi, it’s Sae Ron.
"I just received the notice, and they said they will sue me. They mentioned they would give me more time, so I’m working hard to prepare for my return and plan to pay off the debt from each project.
"I truly have no intention of avoiding this, but if you ask me to pay the 700 million won now, I can’t do it.
"It’s not that I don’t want to pay, I just can’t afford it. But does it really need to go as far as a lawsuit?
"I really hope you understand and give me more time."
Ngunit hindi umano sumagot si Kim Soo Hyun.
Read: Carmina, Janice, Candy fangirl over Kim Soo Hyun
Additional report by Erwin Santiago
