PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Pavel Stepchenko: Pensioner at age 23

How did it happen?
by KC Cordero
Published Mar 20, 2025
Pavel Stepchenko holding his certificates
Itinuturing si Pavel Stepchenko na Russia’s youngest pensioner dahil sa kakaibang pension law ng bansa. (Photo: Screenshot at Theanh28 Entertainment)

Twenty-three years old pa lang si Pavel Stepchenko, isang Russian, pero isa na siyang pensyunado.

Siya ang itinuturing na Russia’s youngest pensioner.

Noong 16 years old pa lang si Pavel—ang edad kung kailan carefree at puro kasayahan ang nasa isip ng mga teenager—tinahak niya ang ibang direksyon.

Photo of Pavel Stepchenko
Napakabata pa ni Pavel Stepchenko nang maging pensioner. Photo: Screenshot at Theanh28 Entertainment
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-enroll siya sa special program ng Russian Ministry of Internal Affairs.

Ito ay bilang paghahanda niya para pumasok sa law enforcement system ng Russia.

Read: Embassy of Japan scraps visa fee for Filipino tourists

PAVEL AVAILs himself of russia's unique pension law

Makalipas ang limang taon ng rigorous training, nagsimula na si Pavel na magtrabaho sa Ministry of Internal Affairs.

Itinalaga siya sa isang territorial division na sakop ng internal affairs system.

Kung para sa ibang young professionals, ito na ang simula ng mahabang career. Pero para kay Pavel, simula pala ito ng isang bagay na kasorpre-sorpresa para sa kanya.

Ayon sa ulat ng state-controlled media ng Russia, makalipas ang dalawang taon sa serbisyo ay nagdesisyon na si Pavel na magretiro sa serbisyo.

Kung marami ang nagtataka kung bakit nakapag-avail siya ng retirement sa edad na 23 at sa loob lang ng maikling panahon ng pagtatrabaho, may kinalaman dito ang kakaibang pension law ng Russia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa bisa ng naturang batas, nakapag-accumulate na si Pavel ng sapat na service credit sa loob lang ng maikling panahon.

Read: Croatia opens 3,500 hotel jobs for overseas Filipino workers

Sa ilalim ng Russian pension law, ang bawat isang buwan na ipinagtrabaho ng isang empleyado sa panahon ng martial law ay katumbas ng three months of credited service.

At dahil si Pavel ay nagtrabaho sa ilalim ng ganitong kondisyon, nagkaroon siya ng karapatang matamasa ang ganitong rule.

Dahil nag-multiply ang mga buwan na ipinagtrabaho niya sa Ministry of Internal Affairs, nagkaroon siya ng sapat na service time para maagang makapagretiro.

Read: Harvard University offers 122 online courses for free

PAVEL STEPCHENKO’S RECORD RECOGNIZED

Sa ulat pa rin ng state-controlled media ng Russia, pormal na nag-apply para sa kanyang retirement si Pavel noong November 28, 2023.

Sa ilalim ng kanilang pension law, ang kanyang request para mag-retire na ay pinahintulutan.

Opisyal ding kinilala ang kanyang achievement ng International Record Registration Agency (INTERRECORD).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Itinala rin ito sa “Book of Records” ng Russia na naglilista ng exceptional feats and accomplishments.

Ang desisyon ni Pavel na maagang mag-retire—bagama’t kakatwa para sa ibang nasyon—ay sumasalamin kung gaano ka-adaptable ang social protection system ng Russia.

Binibigyang-diin dito kung paanong ang social protection system ay makapagbibigay ng benepisyo sa mga eligible beneficiaries anuman ang kanilang edad.

Nalantad din sa buong mundo na ang pension system sa Russia ay flexible at malawak ang nasasakop.

Ang kakatwang retirement story ni Pavel ay nagpapakita ng kakaibang pananaw sa pagreretiro—na hindi lang sa tagal ng panahon ng pagtatrabaho ito nakabatay—kundi maging sa mga umiiral na batas sa bawat bansa.

Read: Tiny hotels built to save solitary bees!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Itinuturing si Pavel Stepchenko na Russia’s youngest pensioner dahil sa kakaibang pension law ng bansa. (Photo: Screenshot at Theanh28 Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results