Nahaharap umano sa kasong kriminal ang Belgian action star na si Jean-Claude Van Damme dahil sa mabigat na paratang na pakikipagtalik sa ilang kababaihan mula sa Romania na mga biktima ng sex trafficking.
Ayon sa ulat ng People, inihain ang reklamo laban kay Van Damme noong Abril 1, 2025, sa Romanian Directorate for Investigating Organized Crime and Terrorism (DIICOT).
Nakasaad sa reklamo na isang biktima ang lumantad at nagpatotoo tungkol sa pagkuha ng 64-year-old actor sa serbisyo ng Romanian women na mga biktima ng sex trafficking ng criminal group na Morel Borea.
Read: Armie Hammer opens up about exploring sexuality on dating app
Ayon pa sa ulat, tinanggap daw ni Van Damme ang mga babae bilang regalo nang pumunta siya sa Cannes, France.
Diumano, alam niyang sangkot sa trafficking ang kanyang mga kasama.
Nagpasya ang DIICOT na mag-imbestiga dahil sa babaeng tumestigo at nagsabing nasaksihan umano nito ang pag-uusap ni Van Damme at ng mga complainant.
Ayon sa abogado ng isa sa mga complainant na si Atty. Adrian Cuculis: “Several Romanians who are currently being investigated for forming a criminal group and pimping, allegedly offered Jean-Claude Van Damme five Romanian women — photo models in Romania — for him to have sexual relations with.”
Hindi pa naglalabas ng pahayag si Van Damme tungkol sa mabigat na akusasyon laban sa kanya.
Read: Oscars 2025: Mikey Madison wins over Demi Moore for Best Actress
JEAN-CLAUDE VAN DAMME SHORT-LIVED ROMANCE WITH JESSICA RODRIGUEZ
Ang Bloodsport, Kickboxer, Hard Target, Lion Heart, at No Retreat, No Surrender ang ilan sa mga pelikula ni Van Damme na popular sa mga Pilipino at pinilahan sa takilya.
Noong 1997 hanggang 1998, nagkaroon ng panandaliang relasyon si Van Damme sa dating aktres at talent manager na si Jessica Rodriguez.
Ilang beses bumisita sa Pilipinas si Van Damme.
Sa interbyu sa kanya noong Oktubre 1998, sinabi ni Van Damme, “I am here in the Philippines just to be with Jessica.”

Short-lived lamang ang relasyon ng dalawa dahil noong 1999, muling pinakasalan ni Van Damme ang kanyang ex-wife na si Gladys Portugues.
Iniyakan umano ito ni Jessica dahil pinaniwala ito ng Belgian actor na pangmatagalan ang kanilang relasyon.