Si Cardinal Robert Francis Prevost ang nahalal bilang 267th pope.
Siya ang kauna-unahang American pope sa kasaysayan.
Bilang 267th pope, siya ay tatawagin na sa pangalang Pope Leo XIV.

Si Cardinal Dominique Mamberti ang nag-anunsiyo ng bagong papa sa balkonahe ng St. Peter's Basilica nitong Huwebes ng hapon, Mayo 8, 2025, sa Vatican City (Biyernes ng madaling-araw, Mayo 9, sa Pilipinas).
“Habemus Papam!” deklarasyon ni Cardinal Mamberti.
Ang "Habemus Papam!" ay Latin phrase na ang ibig sabihin ay “We have a pope!”
Pagkatapos nito ay inanunsiyo na niyang si Prevost ang nahalal bilang bagong papa.
Si Prevost ang pumalit kay Pope Francis, na pumanaw noong April 21, 2025, matapos ang 12 taong panunungkulan bilang head of the Catholic Church.
Read: Pope Francis dies at 88
Umabot ng tatlong botohan ang conclave bago napili ang bagong pope.
Naghiyawan at nagpalakpakan ang libu-libong kataong nagtungo sa Vatican City nang lumabas ang puting usok mula sa chimney ng Sistine Chapel.
Tinatayang 250 cardinals ang bumubuo sa College of Cardinals.
Ang 133 dito ay below 80 years old at may kapasidad na bumoto; habang tinatayang 114 naman ang edad 80 pataas at hindi na maaaring bumoto o mahalal bilang pope.
Kabilang sa mga bumotong cardinals ngayong 2025 ay mula sa Pilipinas: sina Luis Antonio Tagle, Jose Advincula, at Pablo Virgilio David.
Ngayong taon, humigit-kumulang 20 cardinals ang lumutang ang mga pangalan para sa pagiging pope, kabilang na si Cardinal Tagle.
Nagsimula ang conclave noong May 7, 2025.
Read: The Pope Dies: What happens next in the Vatican?
WHAT HAPPENS AFTER POPE’S DEATH
Matapos pumanaw ni Pope Francis noong April 21, sinundan ito ng siyam na araw na pagluluksa na kung tawagin ay Novendiale.
Sumunod dito ang public viewing ng kanyang mga labi sa St. Peter’s Basilica.
Kasabay nito ay ang araw-araw na pagdarasal sa mga simbahan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
April 26, inilibing ang mga labi ni Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major, na hiling niya bago siya mamatay.
Ang nabanggit na basilica ay isa sa apat na major papal basilicas sa Roma.
Matapos ang isang siglo, ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na inilibing ang isang papa sa labas ng Vatican.
Ang mga dating pope na pumanaw ay inililibing sa ilalim ng Saint Peter's Basilica.
Read: 2025 Conclave to have most number of Filipino cardinals yet
CONCLAVE COMMENCES
Matapos ang libing, dumagsa na ang cardinals sa Vatican para isunod ang conclave para maihalal ang susunod na pope.
Mayo 7, nagkaroon muna ng misa ang College of Cardinals bago dumiretso at pumasok sa Sistine Chapel. Isasara ang mga pinto.
Sa unang araw ay nagkaroon ng unang beses na casting of votes.
Sa conclave magsasagawa ng two rounds of votes bawat araw—isa sa umaga at isa sa hapon.
Sa bawat pagtatapos ng botohan ay bibilangin ang mga boto, at pagkatapos ay susunugin ang mga papel na pinagsulatan ng pangalan ng mga kandidato.
Ang kulay ng usok na lalabas sa chimney ng Sistine Chapel ang indicator kung may napili nang bagong pope.
Itim ang usok kapag wala pang nahalal na bagong pope, at puti naman kapag may bagong pope na naihalal.
Walang katiyakan ang tagal ng paghihintay na may bagong pope na maiboto.
Batay sa kasaysayan, may naihalal na mga pope matapos ang ilang araw. May mga pagkakataon naman na umabot ng mga buwan.
Sa kaso ni Pope Leo XIV, inabot lamang ng dalawang araw at tatlong botohan bago siya nahalal.
Read: Cardinal Luis Antonio Tagle: Possible successor to Pope Francis?
