PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mexican beauty influencer shot dead during TikTok livestream

Valeria Marquez had a total of 200,000 followers across TikTok and Instagram.
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 15, 2025
Mexican influencer Valeria Marquez shot dead during TikTok live
Mexican beauty influencer Valeria Marquez, 23, was shot dead during a TikTok livestream in her salon in Jalisco, Mexico. Authorities are investigating the case as a suspected femicide.
PHOTO/S: Valeria Marquez on Instagram

Trigger Warning: Violence, death

Tatlong putok ng baril ang tumapos sa buhay ng 23-year-old Mexican beauty influencer at businesswoman na si Valeria Marquez.

Ito'y matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa pagmamay-aring beauty salon ni Valeria sa Jalisco, Mexico.

Naka-live sa TikTok si Valeria nang pasukin siya ng isang armadong lalaki nitong Miyerkules, May 13, 2025.

Read: Angelika dela Cruz receives death threat and three bullets

Sa video na kumakalat ngayon online, makikita ang aktuwal na pagbagsak ni Valeria sa kanyang kinauupuan nang paputukan siya ng magkakasunod na bala ng baril—isa sa bandang tiyan at dalawa sa ulo—habang siya ay naka-live sa TikTok.

Ayon kay Denis Rodriguez, spokesman ng Jalisco State Prosecutor’s Office, naka-face mask ang lalaking bumaril kay Valeria nang pumasok ito sa salon ng biktima.

Sabay tanong daw nito ng "Are you Valeria?"

Nakangiti pa raw na sumagot si Valeria ng "Yes."

Nang makumpirma, agad daw naglabas ng baril ang lalaki at pinagpuputukan nito si Valeria hanggang sa malagutan ng hininga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagawa pang lumapit ng gunman sa kinaroroonan ng cellphone ni Valeria para patayin ang Tiktok livestream nito.

Mexican influencer Valeria Marquez shot dead during TikTok live
Moments before her death, Valeria Marquez was sitting at a table holding a stuffed animal at her beauty salon in the suburb of Jalisco, Mexico, doing a livestream.
Photo/s: Screengrab on TikTok

Matapos nito ay dali-dali raw lumabas ng salon ang gunman at sumakay sa isang motorsiklong naghihintay sa kanya sa labas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Motive for the fatal attack ON VALERIA

Sa paggulong ng imbestigasyon, isang anggulo ang nakikita ngayon ng awtoridad sa likod ng pagpaslang kay Valeria.

Maaari raw may kinalaman ito sa talamak na femicide sa bansang Mexico.

Ayon sa United Nations Women Organization, ang femicide ay tumutukoy sa pagpatay sa isang babae dahil lamang sa kanyang kasarian.

Karaniwan itong may kaugnayan sa gender-based violence.

Ibig sabihin, ang krimen ay inuugat sa diskriminasyon, galit, o kontrol laban sa kababaihan.

Sa tala rin ng UN, ang Mexico, kasama ang Paraguay, Uruguay, at Bolivia, ang ika-apat na bansa sa Latin America at Caribbean na may pinakamaraming biktima ng femicide.

Hindi raw bababa sa sampung kababaihan ang pinapatay nang walang kalaban-laban sa mga bansang ito kada-araw.

Kadalasan daw ay isa sa kanilang pamilya o di naman ay mismong asawa ang gumagawa ng karumal-dumal na krimeng ito.

Read: Stand-up comedian Gold Dagal killed in Pampanga shooting

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mexican beauty influencer Valeria Marquez, 23, was shot dead during a TikTok livestream in her salon in Jalisco, Mexico. Authorities are investigating the case as a suspected femicide.
PHOTO/S: Valeria Marquez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results