May napadagdag na panibagong object sa Rijksmuseum, ang national museum sa Amsterdam, The Netherlands.
Ito ay isang 200-year-old condom na may disenyong erotic art.

Sa ulat ng news website na euronews last June 4, 2025, sinabi ng Rijksmuseum na ang playful prophylactic ay tinatayang ginawa noong 1830.
Yari ito mula sa appendix ng tupa.
Read: “Oldest known condom in existence” nahukay sa tomb ng hari ng Egypt
200-YEAR-OLD CONDOM SHOWS PLAYFUL AND SERIOUS SIDE OF SEXUAL HEALTH
Ayon sa museum, “It depicts both the playful and the serious side of sexual health.”
Nabili ito sa halagang €1,000 (PHP63,508) sa isang auction sa Haarlem City noong November 2024.
Bahagi ito ngayon ng exhibit sa museum na nag-open noong June 3, at pinamagatang Safe Sex, na tungkol sa 19th century sex work.
Read: Misis nakatanggap ng delivery na 1,020 condoms; hindi naman siya nag-order
MORE DETAILS ABOUT THE 200-YEAR-OLD CONDOM
Ang condom ay posibleng nanggaling sa isang brothel.
Ang artwork nito ay nagpapakita ng erotic image ng isang madre at tatlong clergymen.

May nakasulat din ditong parirala, in French, na nagsasabing: “Voila, mon choix.”
Nangangahulugan ito ng: “There, that’s my choice.”
Ayon sa museum, patungkol ito sa Pierre-Auguste Renoir painting na The Judgment of Paris, na naglalarawan sa Trojan prince na si Paris na nagda-judge ng beauty contest habang nasa pagitan ng tatlong diyosa.
Ang condom ay mananatiling naka-display sa museum hanggang November 2025.
Read: Health alert: HIV cases surge 500% among Filipinos aged 15–25
