PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dog is saved moments before euthanasia in dramatic rescue

He had already received a sedative.
by KC Cordero
Published Jun 20, 2025
Photo of Bruce
Nasaksakan na si Bruce ng sedative, na unang proseso sa euthanasia, nang biglang may dumating na mag-aampon sa kanya. (Photo: Adoptable Pets of LifeLine-Atlanta, GA FB)

Unang dinala ang asong si Bruce sa DeKalb County Animal Services na nasa Chamblee, Georgia, USA, noong anim na buwan na tuta pa lamang siya.

May nag-adopt sa kanya.

Pero makalipas lang ang ilang taon, balik na naman siya sa shelter.

Head photo of Bruce
Ang asong si Bruce habang nasa shelter. Photo: Adoptable Pets of LifeLine-Atlanta, GA FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa artikulong nalathala sa news website na Newsweek last June 13, 2025, sinabi ni Erica Perets, ang founder ng RescueMeATL, karaniwan ang ganitong practice ng pagsasauli ng na-adopt na aso.

Paliwanag ni Erica kung bakit: "Many dogs re-enter the system due to circumstances outside their control—like housing restrictions, financial hardship, or major life changes."

Ang RescueMeATL ay isang nonprofit organization sa Atlanta na tumutugon sa problemang isinalarawan ni Erica bilang "shelter dog crisis."

Sa pamamagitan ng viral storytelling and grassroots action, natutulungan ang mga at-risk dogs na makita ng publiko, mailigtas, at masuportahan.

Ani Erica, sa pamamagitan ng pag-e-empower sa mga karaniwang tao, nagiging bahagi sila ng solusyon para matulungan ang mga asong nasa panganib.

Kaya nang malaman niya ang tungkol kay Bruce, nagdesisyon siyang ibahagi ang kuwento nito sa RescueMeATL TikTok account.

Read: VIRAL: Mother elephant tries to save calf hit by truck

BRUCE THE DOG IS ABOUT TO BE PUT TO SLEEP

Nakalagay na ang pangalan ni Bruce sa mga isasailalim sa euthanasia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dahilan: Wala ng espasyo sa shelter para sa kanya.

Wala siyang sakit. Wala ring problema sa kanyang pag-uugali.

Bruce playing
Kahit good dog si Bruce, kailangan siyang ma-euthanize dahil sa kakulangan ng espasyo sa shelter. Photo: Adoptable Pets of LifeLine-Atlanta, GA FB

Sambit ni Erica, “He was simply out of time in an overcrowded shelter."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang euthanasia ay isang malungkot na reyalidad para sa maraming animal shelters sa USA na kapos sa espasyo.

Ayon sa Shelter Animals Count (SAC), isang nationally recognized nonprofit organization na nakatuon sa collecting, analyzing, and sharing of data tungkol sa mga animal shelters, noong 2024 ay umabot sa 334,000 aso ang isinailalim sa euthanasia.

Kasabay nito, siksikan din ang mga shelter.

Sa pagtataya ng SAC, tinatayang 103,000 animals ang napadagdag sa shelter populations noong nakaraang taon.

Read: Snake falls on woman’s head; lands in her wine

Naniniwala si Erica na madalas nasisisi ang animal shelters kapag may mga hayop na isinasailalim sa euthanasia.

Pero para sa kanya, ang tunay na problema ay sanhi ng sistema kung paano pinapatakbo ang mga shelter na ito.

Paliwanag niya, "Overcrowding, lack of spay or neuter enforcement and government funding, and the continued impact of backyard breeding have created conditions where even healthy, adoptable dogs are being euthanized simply due to space."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinisisi rin niya sa "backyard breeding" o walang patumanggang pagpaparami ng mga aso sa substandard conditions bilang dahilan kung bakit dumarami ang dinadalang mga tuta o kuting at isinu-surrender na pets sa shelters.

Read: UPDATE: Tiny dog lost on island 529 days reunites with owners

BRUCE THE DOG IS SAVED JUST IN THE NICK OF TIME

Sa kaso ni Bruce, magiging bahagi na lang sana siya ng statistics.

Pero dahil sa matiyagang pagsisikap ng RescueMeATL na maihanap siya ng fur parent, nagbago ang kanyang kapalaran.

Noong araw na isasailalim na si Bruce sa euthanasia, nagsagawa sina Erica ng malawakang panawagan sa social media para sa kanya at iba pang asong sasailalim na sa euthanasia.

Mabuti na lang at nung malaman ng isang nagngangalang Todd Smith na walang mag-aampon kay Bruce, agad itong sumugod sa shelter para mailigtas ang aso.

At muntik na nitong hindi inabutang buhay si Bruce.

Nang dumating si Todd, nasaksakan na ang aso ng sedative—ang pinakaunang injection sa euthanasia process.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Erica: "When Mr. Todd arrived, Bruce was minutes away from being lost.

“He arrived just in time to save Bruce and stayed at the shelter for five hours while Bruce recovered from sedation."

Read: Parrot witnesses crime; mimics murder victim’s last words

BRUCE THE DOG IS THE ONLY ONE SAVED THAT DAY

Ang footage ni Bruce habang naglalakad palabas ng shelter noong araw na tuluyan na sana siyang patutulugin ay ibinahagi sa RescueMeATL TikTok page.

Makikita sa video na groggy pa siya habang naglalakad.

Nag-viral iyon at nakakuha agad ng mahigit 230,000 views.

Bruce's freedom walk
Ang kuha kay Bruce habang inilalabas siya sa shelter matapos mailigtas sa euthanasia. Photo: Adoptable Pets of LifeLine-Atlanta, GA FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Erica, ibinahagi nila ang “freedom walk” ni Bruce dahil naniniwala silang nagpapahayag iyon ng higit pa sa pagkaka-rescue sa isang aso.

"It's a window into what's happening every day in shelters across the country."

Nabigyang-diin din ng footage ang sad fact na si Bruce lamang ang asong nailigtas sa kamatayan noong araw na iyon.

Malungkot na sambit ni Erica: "Bruce was the only dog who made it out of DeKalb County alive that day.

"Every dog deserves a chance, and while we're grateful Bruce got his, we carry the weight of the others who didn't."

Aalagaan muna ni Todd si Bruce, pero ihahanap din ito ng magiging permanenteng fur parent.

Umaasa naman si Erica na mas marami pa ang mag-adopt ng aso mula sa mga shelters.

Read: Tiny dog lost on Australian island survives 529 days in the wild

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasaksakan na si Bruce ng sedative, na unang proseso sa euthanasia, nang biglang may dumating na mag-aampon sa kanya. (Photo: Adoptable Pets of LifeLine-Atlanta, GA FB)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results