Sa Ghana ay may grupo ng mga manginginom na tinatawag na Ghana Drunkards Association.
Hindi ito isang gimik lang para makatawag ng atensiyon.
Sa katunayan, ang naturang asosasyon ay isa sa pinakasikat na informal organizations sa nasabing West African country.
At meron itong 6.6. million members.

Read: Dad pours PHP44M of hard-earned money into daughter’s business
GHANA DRUNKARDS ASSOCIATION STAGES PROTEST AGAINST HIGH PRICE OF ALCOHOLIC DRINKS
Si Moses Onyah, na kilala sa monicker niyang Dry Bone, ang presidente ng Ghana Drunkards Association.
Sa ulat ng news website na Nigerian Tribune last June 19, 2025, inirereklamo ng asosasyon ang patuloy na pagtaas ng presyo ng alcoholic drinks sa Ghana.
For your information, 1 Ghanaian cedi ay katumbas ng PHP5.61.
Sa pangunguna ni Dry Bone, nagmartsa ang mga miyembro sa Accra, ang kapitolyo ng Ghana, at nag-demand sa gobyerno na ibaba ang presyo ng alak.
Ang mensahe nila: ang patuloy na pagtaas ng presyo ng alcoholic drinks ay malaking sagabal para makapag-unwind ang average Ghanaians—lalo pa at masalimuot ngayon ang takbo ng ekonomiya.
Read: Woman dies of caffeine overdose after ambulance arrives 7 hours late
GHANA DRUNKARDS ASSOCIATION CLAIMS HIGH PRICE OF ALCOHOLIC DRINKS ALSO AFFECTS VENDORS
Ang panawagan nila ay ipinaabot kay former Ghanaian President John Dramani Mahama at sa Minister for Trade and Industry.
Nagbigay din ang asosasyon sa gobyerno ng tatlong linggong ultimatum para mag-isip ng solusyon.
Babala ni Dry Bone, kapag hindi umaksiyon ang pamahalaan ay magsasagawa sila ng mas malawakang protesta sa buong bansa.

Pagbabahagi niya sa kasalukuyang problema ng asosasyon: “To date, the prices of alcoholic drinks keep going up.
“If you purchase alcohol, there is an increment of about 15 percent, and this affects vendors.”
Batid umano nila na tumaas ang value ng cedi at bumaba ang presyo ng ilang pangunahing bilihin.
“However, the cost of alcohol remains high.”
Pagbibigay-diin ni Dry Bone, “We are not just drunkards; we are responsible citizens who demand fair treatment and affordable beverages.”
Read: Dog is saved moments before euthanasia in dramatic rescue
GHANA DRUNKARDS ASSOCIATION PROMOTES RESPONSIBLE DRINKING
Samantala, kahit pa Ghana Drunkards Association ang pangalan ng grupo, advocate ito ng responsible drinking.
Kabilang sa mga inilunsad nitong campaigns ang pagtatataas ng kamalayan tungkol sa panganib ng pagmamaneho nang lasing.
Mino-monitor din ang pag-inom ng alak sa labas, at mas ini-encourage ang pag-inom sa bahay.
Gumagamit ang mga miyembro ng app para makabili ng alak sa online market.
Naghain din sila ng petisyon sa pamunuan ng pulisya na dapat maparusahan ang mga pulis na umiinom o nakainom kapag on duty.
Ipinapaunawa rin ng asosasyon sa publiko na ang moderate drinking ay may mental health benefits.
Read: Mom and daughter build house from 8,000 recycled glass bottles
