PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Asuka Kirara denies prostitution allegations with Ju Haknyeon

Asuka Kirara retired from the adult film industry in 2020.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 25, 2025
Japanese adult star Asuka Kirara denies prostitution rumors linking her to Ju Haknyeon
Former Japanese adult star and now influencer Asuka Kirara (left) denies prostitution allegations linking her to ex-The Boyz member Ju Haknyeon (right): "Please don't spread false information."
PHOTO/S: Asuka Kirara/Ju Haknyeon on Instagram

Nagsalita na ang dating Japanese adult star na si Asuka Kirara tungkol sa pakakadawit ng kanyang pangalan sa K-pop idol na si Ju Haknyeon.

Noong June 18, 2025, inanunsiyo ang pagkakatanggal kay Ju Haknyeon sa kinabibilangan nitong K-pop boy group, ang The Boyz.

Ito ay bunsod ng pagkakasangkot niya sa isyung prostitution matapos siyang maispatang nakipagkita kay Asuka sa isang bar sa Tokyo, Japan, noong May 30, 2025.

Mismong ang One Hundred, ang talent management ng The Boyz, ang nag-anunsiyo sa publiko ng pagkalas at tuluyan nilang pagtanggal kay Ju Haknyeon.

Read: Ju Haknyeon leaves The Boyz, denies prostitution allegations

Bago ang pagtanggal kay Ju Haknyeon sa The Boyz, lumabas sa ilang ulat na bukod sa pakikipagkita ng K-pop idol kay Asuka, nagbayad din ito umano para sa serbisyong sekswal.

Mabilis itong itinanggi ni Ju Haknyeon nang maglabas siya ng dalawang magkasunod na statement sa kanyang Instagram account.

Giit dito ni Ju Haknyeon, walang katotohanan ang lumalabas na haka-hakang may kinalaman sa kanya at kay Asuka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ju Haknyeon refutes claims about his departure from The Boyz

ASUKA KIRARA BREAKS SILENCE ABOUT PROSTITUTION ISSUE

Ilang araw matapos itanggi ni Ju Haknyeon ang mga alegasyon sa kanya, si Asuka naman ang nagsalita para depensahan ang sarili laban sa aniya'y walang katotohanang paratang sa kanila ng kilalang K-pop star.

Sa X (dating Twitter) noong June 21, itinanggi ni Asuka ang mga naglabasang artikulo tungkol sa pagbabayad umano ni Ju Haknyeon sa kanya.

Depensa ni Asuka, "never once" sa kanyang buhay na nagpabayad siya para sa serbisyong sekswal, kahit alam ng karamihan na siya'y kilalang adult star.

Pahayag niya (base sa English translation ng Korea Times): "There are a lot of speculations going around, but the Shukan Bunshun article hasn't come out yet.

"Please don't spread false information.

"I have never in my life received money for sexual activities [prostitution] in private.

"Of course, this time is no exception."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hinala ni Asuka, gawa-gawa lamang ng isang tao ang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanila ni Ju Haknyeon.

Aniya, noong araw na nagkita sila ni Ju Haknyeon sa Tokyo, Japan, ay may isang babae raw ang kahina-hinalang sumusunod at panay picture sa kanila.

Maaaring ito raw ang nagkalat ng kanilang litrato sa media at gumawa ng kuwento para pagmukhaing may ginagawa silang masama.

Saad ni Asuka, "It seems a woman I met for the first time who was present liked Hannyeon-san and took photos that were sold to Bunshun."

Asuka Kirara denies prostitution rumors with Ju Haknyeon
Photo/s: Screengrab Asuka Kirara on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na reaksiyon si Ju Haknyeon patungkol sa naging pahayag ni Asuka.

WHO IS ASUKA KIRARA?

Ayon sa ulat ng Koreaboo, isinilang si Asuka Kirara sa Japan noong 1988.

Pinasok niya ang adult video industry noong December 2007.

Nagwagi siyang Best Actress at Best HD Actress sa Sky PerfecTV! Adult Broadcasting Awards noong 2009.

Bukod sa Japan, patok din ang mga nagawang pelikula ni Asuka sa iba't ibang bansa, gaya ng South Korea, kung saan nagdaos siya ng fan meeting noong October 2017 at November 2018.

Pagdating ng 2020, nagretiro si Asuka sa paggawa ng mga adult video video upang mag-focus sa paggawa ng content sa kanyang social media accounts.

Mahigit 400 films ang naitalang nagawa niyang adult films.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Japanese adult star and now influencer Asuka Kirara (left) denies prostitution allegations linking her to ex-The Boyz member Ju Haknyeon (right): "Please don't spread false information."
PHOTO/S: Asuka Kirara/Ju Haknyeon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results