PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy gets PHP152K reward after spotting stolen PHP23-M vehicle

The car is a vintage Rolls-Royce Silver Ghost.
by KC Cordero
Published Jul 11, 2025
The stolen vehicle
Naibalik sa may-ari ang nanakaw na 1920 Rolls-Royce Silver Ghost matapos makita ng isang bata ang mamahaling sasakyan na nakatago sa sira-sirang shed sa gilid ng magubat na daan. (Photo: luxurylaunches.com)

Isang vintage Rolls-Royce Silver Ghost na tinatayang nagkakahalaga ng US$410,000 (PHP23,151,880) ang naibalik sa may-ari matapos manakaw.

Ang sasakyan ay nawala sa parking lot ng Orsett Hall Hotel, Essex, London, noong umaga ng June 26, 2025.

Ayon sa ulat ng website na luxurylaunches.com last July 8, natutulog noon ang may-ari nito na si Brian Fitton, 82, sa isa sa mga hotel rooms.

The owner and the stolen vehicle
Ang larawan ng nawalang sasakyan at ng may-ari. Photo: luxurylaunches.com
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang plano sana ni Brian ay ibiyahe ito sa Tilbury Docks para sa isang ferry journey papuntang Helsinki, kung mamamasyal siya sa Baltic states—na kinabibilangan ng Estonia, Latvia, and Lithuania.

Kabilang ang Rolls-Royce sa kanyang 25 vehicles na ibibiyahe.

Read: Man forgets wife at gas station; realizes 300 kilometers later

BOY SPOTS THE STOLEN VEHICLE

Si Brian ay isang retired scrapyard owner mula sa Wilmslow, Cheshire.

Matapos mawala ang Rolls Royce, agad siyang nag-offer ng reward na US$2,700 (PHP152,545.91) sa sinumang makapagtuturo o makapagbabalik ng kanyang prized possession.

Nagkataon namang isang schoolboy na mapagmasid sa paligid ang nakapansin sa distinctive vintage car habang papauwi sa kanilang bahay at naglalakad sa kaparangan.

Nakita nitong nakahimpil ang Rolls-Royce sa gilid ng isang magubat na daan at nasa ilalim ng malalaking puno na may sira-sirang shed.

Hindi na binanggit ang pangalan at edad ng bata.

Ikinuwento ng bata sa ama ang nasaksihan pagkarating sa bahay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkataon namang napanood ng ama ang media coverage tungkol sa pagkakanakaw sa mamahaling sasakyan.

Agad siyang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Pinuntahan ng Essex Police ang lugar kung saan nakita ng bata ang sasakyan.

Andun nga ang Rolls-Royce na naka-attached pa rin sa trailer.

Nang siyasatin, buo pa rin ito at walang nasira o nawalang piyesa.

Read: Wife sues husband for making her do chores instead of content

STOLEN VEHICLE HAS SENTIMENTAL VALUE TO OWNER

Bukod sa mataas na presyo ng nabawing Rolls-Royce Silver Ghost, may sentimental value ito kay Brian kaya tuwang-tuwa siyang naibalik ito.

Nabili niya ang rare automobile mula sa British Petroleum collection sa Denmark sa pamamagitan ng Bonhams auction.

Ilang taon ang kanyang ginugol para metikulusong ma-rebuild ang makina nito.

Nahanap niya ang original components nito kabilang ang iconic Spirit of Ecstasy hood ornament.

Naibiyahe na ito ni Brian sa kanyang pagbisita sa mga bansang France, Italy, Germany, Poland, Switzerland, at Spain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-survive din ng kanyang sasakyan ang World Wars I and II.

Kaya nang manakaw ito, sobrang nalungkot si Brian. Ngayon ay panatag nang muli ang kanyang kalooban.

Read: Boy neglected by mom turns to dogs for company; learns to bark instead of speak

STOLEN VEHICLE’S HISTORICAL IMPORTANCE

Ang Rolls-Royce Silver Ghost model ay may significant historical importance sa automotive history.

Naging simbolo ito ng British automotive craftsmanship.

Nagsimula ang production nito noong 1907 at nahinto noong 1926.

Nasa 7,874 units lang nito ang na-manufacture, at isa sa owners nito ay si former U.S. President Woodrow Wilson.

Noong World War I, ni-repurpose ang chassis at makina nito para gawing armored vehicles.

Si Lawrence of Arabia ay gumamit ng 1909 model para sa kanyang Middle Eastern campaigns.

Read: Man calls out roommate who keeps "accidentally" eating his food

Ayon naman sa Essex Police, ang pagkaka-recover sa Rolls-Royce Silver Ghost ay nakatulong sa patuloy na pagbaba ng crime statistics sa lugar, partikular sa vehicle thefts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labis naman ang pasasalamat ni Brian sa media na nagbigay ng malaking atensiyon sa pagkawala ng kanyang sasakyan na naging dahilan para mabawi niya iyon.

Umaasa rin siyang ang reward na ipinagkaloob niya sa schoolboy ay makatutulong dito para hindi nito malimutang ang paggawa ng mabuti ay laging may magandang kapalit.

Read: Man swallows spoon while drunk; thinks it’s a dream for 6 months

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naibalik sa may-ari ang nanakaw na 1920 Rolls-Royce Silver Ghost matapos makita ng isang bata ang mamahaling sasakyan na nakatago sa sira-sirang shed sa gilid ng magubat na daan. (Photo: luxurylaunches.com)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results