Sa sobrang viral sa social media ng isyung Red Uncle scandal sa China, kumalat na ito sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kalat na kalat na ang snippets ng secretly recorded videos ni Red Uncle, gayundin ang ginawang memes ng Filipino netizens.
Si Red Uncle ay isang middle-aged Chinese man na nagdamit-babae at nagpanggap na babae upang makapang-akit ng mga lalaki.
Sa loob ng tatlong taon, palihim niyang nire-record ang pakikipagtalik niya sa umano’y higit 1,000 na kalalakihan.
Pinagkakitaan ito ni Red Uncle. Ipinost niya online ang private videos na mapapanood sa pamamagitan ng subscription fee.
Nagimbal ang publiko sa pagkalat ng intimate videos, at pinag-usapan ang mga isyu ng public health, privacy, at marital fidelity.
Isang local news program ang nag-ulat na marami sa mga nakatalik ni Red Uncle ay kasal na.
Naging top trending ang Red Uncle sa Weibo, ang popular micro-blogging site sa China.
Umabot sa 200 million ang views nito, ulat ng Reuters.
Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo
THE IDENTITY OF RED UNCLE
Kinilala ang suspek na binansagang Red Uncle bilang si Jiao, 38, taga-Nanjing, China.
Pinag-usapan kung paano nakumbinsi ni Jiao ang napaulat na 1,691 “heterosexual men” na magpunta sa kanyang bahay upang makipagtalik.
Walang kamalay-malay ang mga lalaking nire-record pala ni Jiao ang sexual encounters.
Kinumpirma naman ng Nanjing Police ang pagkalat ng mga pribadong videos, ayon sa inilabas nilang official statement noong July 8, 2025.
Kinumpirma rin ng kapulisan na nadetine na si Jiao dahil sa pagpapakalat ng malalaswang videos.
Itinanggi naman ng mga awtoridad na higit sa 1,000 ang nakatalik na lalaki ni Jiao, subalit hindi sila nagbigay ng exact figure.
Bagamat hindi illegal ang same-sex relations sa China, itinuturing na criminal offense ang paglabag sa privacy.
May mahigpit din silang batas pagdating sa pagpapakalat ng private videos online.
Nabahala ang publiko sa China dahil sa inilabas na videos at images na kita ang mukha ng mga lalaki. Nakompromiso kasi ang kanilang privacy.
Pinaalalahanan naman ng health officials ang mga lalaking nakipagtalik kay Jiao na magpatingin.
Read: Foreigner Asks: Do Pinoy men treat partners like maids?

NETIZENS REACT TO RED UNCLE
Magkakahalo ang napakaraming komento ng Filipino netizens: may mga patawa, may mga seryoso, at marami ang pangungutya.
Nag-viral pa nga ang hitsura ng apartment ni Jiao kung saan niya dinala ang mga nabiktima nito.
Nakagawa ng AI-generated images na katulad ng kuwarto ni Jiao. Ang iba, ginamit itong background sa paggawa ng memes na videos at photos.
Hirit ng isang male netizen, "Nagkaroon din ng context yung mga pictures ng apartment na 'to."
Joke naman ng isa pa, "Looking for apartment na ganito po sanang design."
"Mahiwagang apartment ni Red ankol," banat ng isa pa, kalakip ang apartment photo.



May ibang nagpaka-witty sa pagkokomentong meron din palang “made in China” na matibay, na ang tinutukoy ay si Jiao.
May isa namang nag-compute na kung higit 1,691 ang mga lalaking nabiktima ni Jiao, ibig daw sabihin na nakipagtalik ito sa mga lalaki araw-araw sa loob ng tatlong taon.



Ang ibang netizens naman, pabirong pinayuhan ang mga babae na tingnan kung kasama ang kanilang mga asawa sa private videos.
May mga nagkomentong nabagabag sila dahil may mga nakatalik si Jiao na married men.
Ang iba naman, nababahala dahil maaaring tamaan ang mga lalaki ng sexually transmitted disease.
May iba namang nalungkot dahil ang iba sa mga lalaki ay may asawa na pala.


Sa kabuuan, pinagpiyestahan ang mga videos na nanganak pa ng mga memes.
May mga gulong-gulo at takot na takot na sa power ng Internet.
May mga nagtatanong din kung asan na ang respeto sa sarili? Respeto sa kapwa?
Dagdag pa ng iba, Iaasa lang ba ito sa batas? Di ba raw dapat ayusin ang isang kulturang naging katanggap-tanggap ang panghihimasok sa sex, isang napakapribadong parte ng buhay, kaya't inilalako pa?
Maraming katanungan, maraming panunuri. Iyon na lang siguro ang ambag ng Red Uncle scandal.
