Nakaalerto ang Japanese authorities matapos matuklasang ang 16,000 plastic toy guns na ginagamit bilang premyo sa claw machines sa buong Japan ay may kakayahang magpaputok ng live ammunition.
Iniulat ito ng news website na Japan Today last July 20, 2025.
Naglabas na ng babala ang National Police Agency (NPA) ng Japan sa sinumang nanalo o may iniingatang plastic toy guns na i-surrender ang mga ito sa awtoridad.
Read: Owner fails to find wallet after it blends with tile pattern
TOY GUNS HAVE LETHAL POTENTIAL
Ang plastic toy guns na kayang magpaputok ng live ammunition ay tinatawag na Real Gimmick Mini Revolver.

Ang purpose nito ay para gawing premyo sa crane games na popular sa gaming arcades sa Japan.
Ang pakete ng laruan ay may kasamang eight plastic bullets na maaaring gamitin para tudlain ang anumang bagay kapag naglalaro.
Ang mga platic toy guns ay may matitingkad kulay at mukhang harmless.
Pero natuklasan ng Japanese authorities na batay sa technical specifications ay maaari silang gamitin na parang tunay na firearms.
Read: Parrot learns to order online and buys snacks
TOY GUNS WERE IMPORTED FROM CHINA
Ang Real Gimmick Mini Revolver ay ibinibenta sa "78 Japanese companies" around "31 prefectures o regions" ng bansa.
Isang Japanese company ang nag-aangkat nito sa China simula pa noong December 2024.
Ang target market ng naturang toy guns ay mga batang edad 12 pataas.
Ang babala pa ng Japanese authorities, bukod sa kakayahang magpaputok ng tunay na bala ay maaari rin itong sumambulat sa kamay ng user dahil ang malaking bahagi nito ay yari sa cheap plastic material.
Read: Woman’s number listed on lost cat shirt gets flooded with calls
Bukod sa Real Gimmick Mini Revolver, naglabas na rin ang Japanese authorities ng listahan ng 16 toy guns na may kakayahang magpaputok ng real bullets at maging sanhi ng fatal injuries.
Lahat ito ay Chinese-made.

Tampok sa toy guns ang hammer o gatilyo na yari sa metal at matigas na plastic.
Kasya rin sa barrel nito ang small caliber bullets.
Batay sa umiiral na batas sa Japan, ang pag-iingat ng ganitong uri ng baril ay posibleng paglabag sa Sword and Firearms Control Law.
Read: Why is there a giant rock inside this shopping center?
