Inatasan ng Court of Appeals ng Argentina ang tech giant na Google na magbayad ng US$12,500 (PHP715,831.09) sa isang lalaking nakunan ng larawan habang hubo't hubad.
Ang lalaking hindi na pinangalanan ay nakunan ng photo ng Google Street View car kahit pa nasa loob siya ng bakuran na may mataas na pader.

Ang ruling ng Court of Appeals ng Argentina ay inilabas ngayong July 2025 at ibinalita ng iba’t ibang malalaking international media outlets.
Ayon sa korte, nag-commit ang Google ng “serious error” nang i-publish nito ang naked photograph ng lalaki.
Read: Owner fails to find wallet after it blends with tile pattern
GOOGLE TOOK THE MAN'S NAKED PHOTO IN 2017
Napag-alaman na ang lalaki ay isang police officer sa Argentina.
Noong 2017, nakunan siyang naglalakad nang totally naked sa loob ng kanyang bakuran sa Bragado, isang bayan sa west part ng Buenos Aires.
Ang kanyang house number at pangalan ng street ay kitang-kita rin sa image.
Ang naked photograph niya ay nanatiling online sa loob ng mahabang panahon bago tuluyang tinanggal ng Google.
Read: Parrot learns to order online and buys snacks
MAN's lawsuit
Idinemanda ng lalaki ang Google Argentina noong 2019.
Ang claim niya, ang kanyang naked photograph ay naging sanhi para laitin at pagtawanan siya ng mga kapitbahay at kasamahan sa trabaho.
Ibinasura ang kaso ng lower court ng Argentina.
Ang argumento ng lower court, kasalanan ng lalaki na nasa labas ito ng bahay habang nasa "inappropriate condition."
Ang desisyon ng lower court ay binaligtad ng panel of judges ng Court of Appeals (CA) ng Argentina ngayong July 2025.
Ayon sa CA, batay sa mga ulat na lumabas sa iba’t ibang international media outlets: "This involves an image of a person not captured in a public space, but within the confines of their home, behind a fence taller than the average-sized person.
"The invasion of privacy is blatant."
Read: Why is there a giant rock inside this shopping center?
GOOGLE FAILED TO FOLLOW ITS OWN STREET VIEW POLICY
Sa desisyon ay tinukoy rin ng CA ang sariling policy ng Google na awtomatikong lalabuan ang mga mukha at plaka ng sasakyan through its "cutting-edge face and license plate blurring technology" para hindi mag-commit ng invasion of privacy.
Sa kaso ng lalaki, kitang-kita ang "entire naked body" niya.
At ayon sa mga hukom: "No one wants to appear exposed to the world as the day they were born."
Read: YouTuber highlights unbelievably pointed chin in viral videos
ARGENTINA HAS STRONG PRIVACY LAWS
Wala pang inilalabas na pahayag ang Google.
Wala ring balita kung naghain ito ng apela sa hukuman.
Ang ruling ay patunay na ang privacy laws sa Argentina ay nagkakaloob ng malakas na proteksiyon sa dignidad ng bawat Argentinian.
Posible ring maging pamantayan ito sa iba pang privacy claims, lalo na sa Latin America, kung saan ang privacy protections ay mas mahigpit kumpara sa America.
Read: Phone case feels like human skin; gets sunburned in sunlight
