Sa Japan, may grandmothers o lola for hire para sa mga nangangailangan ng kausap o katuwang sa gawaing-bahay o ka-bonding.
Ang serbisyong ito ay tinatawag na OK! Obaachan (OK! Grandmother), kunsaan pagsisilbihan ng isang lola ang kliyente nang may bayad.
Ang rate ay 3,300 yen (PHP1,277) para sa pamasahe, at 3,300 yen kada oras, ulat ng japantoday.com.
Basically, ang grandmother rental sa Japan ay nag-o-offer ng maternal services—mula sa paglilinis, pagluluto, at pagbibigay ng life advice—ulat naman ng Australian Broadcasting Corp (ABC) nitong August 3, 2025.
Isa ito sa mga solusyon sa pinagdaraanang “loneliness epidemic" ng ibang Japanese.
Pagkakataon din ito para sa female senior citizens na magkaroon ng trabaho at dagdag na kita.
Read: Mitsuyado Izakaya: a level-up Japanese dining experience in Rockwell
GRANDMA rental in japan: how it STARTED
Ang OK! Obaachan ay sinimulan ng kumpanyang Client Partners.
Paliwanag ng chief executive na si Ruri Kanazawa, ang kanyang kumpanya ay nagha-hire lamang ng females.
Masyado na raw kasing saturated ng males ang market.
Naisulat na rin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga lalaking Hapon for hire para maging companion.
Read: “Rent-a-man” sa Japan, PHP4,000 kada oras para sa mga naghahanap ng companion
Sa kumpanya ni Kanazawa na may 300 hanggang 400 staff members na puro babae, 80 rito ay may edad 60 pataas.
Ilan pa sa mga serbisyong ino-offer ng Client Partners ay interpreters, tourist guides, pati na rin friend o tita for hire.
Iba-iba rin ang edad ng mga clients nila—mula 20 hanggang 70 years old.
Magkakaiba rin ang serbisyong hinihingi ng kanilang clients—tulad ng mga gawaing puwede sanang gawin ng mga kamag-anak o kapamilya ng mga kliyente nila.
Pero bakit may Hapon na kailangang mag-hire ng grandmother o tita?
"Some people may be abused, and some people may never have had a mother in the first place,” ani Kanazawa sa ABC.
"Our grandmother staff members, who cook for the guests and act like a mother to them, help provide the motherly warmth they need."
BIG HELP FOR THE SENIORS
Isang propesor ng gender relations sa Japan ang nagsabing malaki ang naitutulong ng rental grandma sa senoir female sector sa Japan.
Ang mga lola raw ay nagkakaroon ng “sense of fulfillment” dahil dati ay wala silang trabaho at ngayon ay nagiging kapaki-pakinang, ani Kaori Okano, professor of Asian Studies and Japanese sa La Trobe University.
Ang mga retirees sa Japan ay mayroong pension.
Pero, maaaring ang iba sa kanila ay maliit lamang ang natatanggap kung single sila o maliit ang naging hulog noong nagtatrabaho pa.
Isa ring isyu sa Japan ang pagbaba ng working-age population.
Nabanggit din sa ulat ang pagkakaroon pa rin ng labour-gender disparity.
Kaya ang innovations na ginagawa ng mga kumpanyang tulad ng Client Partners ay malaking tulong.
