Pumanaw na ang Russian beauty queen na si Kseniya (Ksenia) Alexandrova noong August 12, 2025.
Siya ay 30.
Si Kseniya ang naging kandidata ng Russia sa Miss Universe 2017.
Kinumpirma ng kinabibilangang modeling agency ni Kseniya, ang Modus Vivendis, ang malungkot na balita.
Binawian ng buhay ang Russian beauty queen ilang linggo matapos niyang masangkot sa isang vehicular accident noong Hulyo 2025.
Si Demi-Leigh Peters ang kinoronahang Miss Universe noong 2017.
Ka-batch nila si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters.

Read: Liza Soberano painfully recalls trauma caused by parents, foster family
THE FREAK ACCIDENT
Ayon sa ulat ng The U.S. Sun., bumangga ang sinasakyang Porsche ni Kseniya sa isang elk, o wild deer, ilang linggo na ang nakakaraan.
Nasa passenger seat si Kseniya nang maganap ang aksidente sa Tver region.
Dahil sa aksidente ay nagtamo ang beauty queen ng traumatic brain injury.
Isinugod siya sa Sklifosovsky Research Institute sa Moscow.
Ang driver ng sasakyan ay isang 43 anyos na lalaki na hindi kinilala.
Si Kseniya ay graduate ng Psychology mula sa Moscow Pedagogical State University noong 2021.
Mayroon din siyang Finance degree mula sa Plekhanov Russian University of Economics.
Ikinasal siya noon lamang March 2025.
Isang video tribute naman ang ipinost ng Miss Universe Organization via Instagram.
Caption sa kalakip na video: “The Miss Universe Organization extends its deepest and most heartfelt condolences to the family, friends, and everyone whose life was touched by the light of Miss Universe Russia 2017, Kseniya Alexandrova.
“Her grace, beauty, and spirit left an unforgettable mark on the Miss Universe family and beyond.
“May her memory continue to inspire kindness, strength, and love in all those who were fortunate enough to know her.”
Read: Kazel Kinouchi, nabunyag ang pagkakaroon ng asawa't anak
