PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judge Frank Caprio, world’s "kindest judge," dies at 88

“Remember me in your prayers.”
by KC Cordero
Published Aug 21, 2025
Judge Frank Caprio holding a gavel
Nakilala ang kabaitan ni Judge Frank Caprio sa pagbibigay ng hatol sa mga nasasakdal sa Emmy-nominated courtroom reality TV series na Caught in Providence. (Photo: Rhode Island Monthly)

Pumanaw na si Judge Frank Caprio noong August 20, 2025, sa edad na 88.

Inianunsiyo ito ng pamilya niya sa kanyang social-media channels.

Kilala siya sa bansag na “America’s nicest judge.”

Batay sa ulat ng international media, pancreatic cancer ang naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Noong December 2023, isinapubliko ni Judge Caprio ang diagnosis sa kanya pati na rin ang pagsailalim niya sa radiation treatment.

Last August 19, nag-share pa siya ng isang madamdaming video habang nasa hospital bed.

Judge Frank Caprio in hospital bed
Ang mga huling sandali ni Judge Frank Caprio. Photo: NDTV
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat siya sa kanyang supporters at buong kababaang loob na humiling na isama siya ng mga ito sa kanilang panalangin.

Aniya: “I ask you again, if it’s not too much, that you can remember me in your prayers.”

Yun na ang huling sandali ng kanyang pakikipag-ugnayan sa publiko.

Naulila ni Judge Caprio ang kanyang maybahay na si Joyce, limang anak, pitong apo, at dalawang apo sa tuhod.

Read: Mom ends up at ER after popping pimple in “Triangle of Death”

WHO IS JUDGE FRANK CAPRIO?

Hindi lang siya basta judge.

Nakilala siya sa pagbibigay ng hatol na kaakibat ang kabaitan sa nasasakdal, pagiging patas, at may tunay na hustisya.

Judge Frank Caprio standing in his courtroom
Si Judge Frank Caprio sa kanyang courtroom. Photo: Frank Caprio Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinilang si Judge Caprio sa Rhode Island.

Ang kanyang mga magulang ay Italian immigrants na nagtatrabaho bilang fruit peddlers.

Lumaki siyang nakamulatan ang simpleng pamumuhay.

Sinikap niyang makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang career.

Nagtapos siya ng abogasya sa Suffolk University sa Boston, Massachusetts.

Nang maging ganap na lawyer, nagdesisyon siyang ilaan ang kanyang buhay sa public service.

Naglingkod siya bilang chief judge ng municipal court of Providence, Rhode Island, mula 1985 hanggang 2023.

Read: Miss Grand Caloocan reflects after criticism on butterfly props

JUDGE FRANK CAPRIO’S POPULARITY SOARS IN COURTROOM REALITY TV SERIES

Mas nakilala si Judge Caprio sa Emmy-nominated courtroom reality TV series na Caught in Providence, na iprinodyus ng kanyang kapatid na si Joe Caprio.

Judge Frank Caprio hearing a case
Si Judge Frank Caprio habang may dinidinig na kaso. Photo: KTLA
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagsimula itong ipalabas noong 2000 bago nahinto.

Muli itong nagbalik sa TV screens mula 2015 hanggang 2017.

Nagkaroon ito ng national syndication noong 2018 at na-renew para sa second season noong 2019.

Natapos ang series nang magretiro na si Judge Caprio.

Sa kanyang retirement, binigyan siya ng ceremonial title na “Chief Judge Emeritus.”

Ang kanyang courtroom ay ipinangalan sa kanya bilang pag-alala at pagbibigay-pugay sa kanyang naging serbisyo.

Read: Trans woman claims she was barred from using women's CR in Iloilo

JUDGE FRANK CAPRIO IS ALSO POPULAR oN SOCIAL MEDIA

Namayagpag din si Judge Caprio sa social media, kung saan nag-viral ang maraming clips na kuha mula sa kanyang courtroom.

Ang kanyang Instagram at Facebook accounts ay may 3.4 million followers, habang sa TikTok ay mayroon siyang 1.6 million followers.

Ngayong 2025 ay nakapaglathala pa siya ng aklat na may pamagat na Compassion in the Court, kung saan binalangkas niya ang mga natutunan sa buhay at sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wallet lost under Ford’s hood returned to owner 11 years later

COURTROOM REALITY SHOW GIVES VIEWERS SENSE OF HOPE

Sa isang panayam kay Judge Caprio ng law magazine ng kanyang alma mater, sinabi niyang nakaka-relate ang mga tao sa Caught in Providence.

“They feel that they are talked down to and scorned.

“In the 100,000 or so comments I have gotten from viewers around the world, the most common words are compassion, understanding, and fairness.

“I think we have given them a sense of hope through the decisions I make.”

Sinabi rin niyang nagbabatay siya sa “the rule of common sense” kapag nagiging lenient sa mga defendants.

At ang tingin umano niya sa hatol na mas magpapalugmok pa sa buhay ng isang defendant ay hindi hustisya.

Read: Drunk man in flip-flops unknowingly completes 8-kilometer run

COURTROOM DRAMAS

May mga pagkakataong pinapaupo ni Judge Caprio sa bench para tanungin ang mga anak ng defendants.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang partikular na kaso, tinanong niya ang anim na taong batang babae na tulungan siyang magdesisyon kung ano ang magiging hatol sa ina nito.

Ang ina ng bata ay nahaharap sa US$100 fine plus additional penalties na aabot sa US$300 dahil sa pagpaparada ng sasakyan sa bangketa.

Binigyan ni Judge Caprio ang anak ng defendant ng apat na options.

Una, bayaran ng ina nito ang kabuuang multa. Ikalawa, i-waive ang multa pero bayaran ang US$100 fine. Ikatlo, babaan ang multa sa US$50. At ikaapat, i-waive ang kabuuang multa.

Tanong ni Judge Carpio sa bata: “What would you do to be fair about this whole thing and how much would you charge?”

Pinili ng bata ang ikatlong option na babaan ang multa sa US$50.

Gayunpaman, nag-offer dito si Judge Caprio ng panibagong deal.

Aniya sa bata, “She buys you breakfast when you leave and I’ll dismiss [the case], is that a good deal?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumayag naman ang anak ng defendant.

Sa isa pang kaso, ang 100-year-old American war veteran na si Castor Salami ay nabigyan ng ticket ng traffic officer dahil nag-beat ng red light.

Nang malaman ni Judge Caprio na ang beterano ay nakipaglaban noong World War II at na-assign sa Pilipinas, pinalampas na lamang niya ang traffic violation nito at pinasalamatan sa naging serbisyo noong panahon ng digmaan.

Read: Couple sells wedding tickets; earns PHP7.5 Million

JUDGE FRANK CAPRIO’S POLITICAL CAREER

Bagama’t mas kilala sa kanyang pagiging huwes, sumuong din si Judge Caprio sa larangan ng pulitika.

Naglingkod siya sa Providence City Council mula 1962 hanggang 1968.

Tumakbo siya bilang Democrat para maging Attorney General ng Rhode Island noong 1970, pero natalo sa Republican na si Richard J. Israel.

Naging delegate siya sa limang Democratic National Conventions.

Sa kanyang pagiging huwes, madalas niyang sabihing: “I don’t wear a badge under my robe. I wear a heart.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Photo of orphan lying in mother's chalk outline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakilala ang kabaitan ni Judge Frank Caprio sa pagbibigay ng hatol sa mga nasasakdal sa Emmy-nominated courtroom reality TV series na Caught in Providence. (Photo: Rhode Island Monthly)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results