Pumanaw na ang kauna-unahang Miss Universe titleholder mula sa Argentina na si Norma Beatriz Nolan.
Si Norma ay kinoronahang Miss Universe noong 1962. Siya pa lamang ang titleholder ng Argentina sa prestihiyosong international beauty pageant.
Si Norma ay pumanaw sa Miami, Florida, kunsaan siya naninirahan.
Siya ay 87.
Inanunsiyo ng Miss Universe Organization (MUO) ang malungkot na balita sa pamamagitan ng social media nitong August 22, 2025, Biyernes.
Nakasaad dito: “The Miss Universe Organization extends its deepest and most heartfelt condolences to the family, friends, and all who were touched by the life of Miss Universe 1962, Norma Nolan.
As the first woman from Argentina to hold the Miss Universe crown, her elegance, beauty, and pioneering spirit left an indelible mark on our history and inspired generations that followed.
“May her memory continue to shine as a symbol of grace, strength, and legacy.”
Read: Arnold Clavio, tinawag na "iresponsable" ang alegasyon ni Mayor Vico Sotto

WHo waS NORMA NOLAN?
Si Norma ay isinilang sa Venado, Argentina, noong April 22, 1938, ayon sa thisisbeirut.com, isang English media platform sa Beirut, Lebanon.
Bagamat mula sa Latin America, Irish ang kanyang lolo at may dugong Italian naman ang kanyang ina.
Ginanap ang Miss Universe 1962 pageant sa Miami Beach, Florida, noong July 14, 1962.
Ipinasa ang korona sa kanya ni Marlene Schmidt ng Germany.
Si Norma ay 24 anyos noon.
Hanggang ngayon, siya pa lamang ang Miss Universe titleholder ng Argentina.
Hindi gaya ng maraming Miss Universe winners, mas pinili ni Norma ang tahimik na buhay.
Matapos ang kanyang reign ay namuhay nang pribado si Norma. Tinanggihan niya ang interviews at hindi niya pinasok ang showbiz para magkaroon ng private life.
Batay sa isang YouTube report, ang pinakahuling public appearance ni Norma ay nang maging hurado siya sa Miss Universe 1969 pageant, ang taon kung kailan nanalo si Gloria Diaz, ang kauna-unahang Miss Universe titleholder ng Pilipinas.
Pagkatapos noon, nagbukas si Norma ng bookstore sa Miama na kanyang naging refuge.
Noong 2018, sumagot si Norma sa isang media interview request. Pero hindi siya humarap sa camera.
Sumagot siya sa pamamagitan ng isang liham.
Sabi niya, “My Miss Universe experience was wonderful but I prefer to stay away from the spotlight."
Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcast journalists over alleged paid Discaya interviews
