Nagluluksa ang mga tagahanga ng Chinese singer-actor na si Yu Menglong dahil sa kanyang pagpanaw sa edad na 37.
Binawian ng buhay si Yu matapos mahulog siya mula sa mataas na gusali sa Beijing, China, noong Setyembre 11, 2025.
Kinumpirma ito sa pamamagitan ng opisyal na pahayag ng mga namamahala sa kanyang entertainment career.
Read: Court junks criminal information vs. Tessa Prieto, ex-GF Angel Chua
Nakasaad dito: “With unbearable sorrow, we announce that our beloved Menglong fell to his death on Sept 11. Police have ruled out any criminality. We hope he rests in peace and his loved ones remain strong.”
Patuloy na nag-iimbestiga ang mga pulis tungkol sa kamatayan ni Yu.
YU MENGLONG'S LAST MOMENTS
Nalaglag umano ang singer-actor mula sa apartment ng kanyang kaibigan. Pero wala raw krimeng nangyari.
Ayon sa ulat, kasama ni Yu ang kanyang mga kaibigan na naghapunan noong gabi ng Setyembre 10.
Bandang alas-dos ng madaling-araw ng September 11 nang pumasok siya sa guest room para matulog pero ikinandado niya ang pinto.
Nang paalis na ang mga kaibigan niya sa apartment ng ala-sais ng umaga, wala na si Yu sa kuwarto.
Natagpuan na lamang ang kanyang walang buhay na katawan sa ground floor ng gusali.
Isang nagmamalasakit na mamamayan ang nakipag-ugnayan sa mga pulis nang makita niya ang bangkay ni Yu.
Read: Fernando Poe Jr.'s 2004 candidacy and untimely death: A lookback
MENGLONG YU IN ETERNAL LOVE
Nag-umpisa ang showbiz career ni Yu nang sumali siya sa talent search program na Super Boy noong 2010.
Dumating sa kanya ang pinakamalaking break nang gampanan niya ang karakter ng ika-siyam na prinsipe sa historical web drama na Go Princess Go.
Pero ang Netflix fantasy romance na Eternal Love ang naging instrumento para makilala nang husto si Yu sa Asia.
Binigyang-buhay ni Yu sa Eternal Love ang karakter ni Bai Zhen.

Nabuo ang international fan base ni Yu dahil sa Eternal Love, na meron nang mahigit 50 billion views at idineklara bilang most viewed series sa China.
Hanggang ngayon, napapanood sa Netflix ang Eternal Love na nagkaroon din ng international broadcast sa South Korea, Malaysia, Thailand, Vietnam, Hong Kong, Cambodia, Taiwan, Singapore, at Peru.
Read: Curlee Discaya claims politicians, 120M Filipinos want them dead