Isang tagapagmana mula sa isang prominenteng pamilya ang pumanaw matapos makagat ng insekto.
Kinilala ang biktima bilang si Marissa Laimou (also spelled Lemos), 28.
Labis na nalungkot at nabigla ang kanyang ina sa nangyari.
Breast cancer survivor kasi si Marissa.
Pero matapos malampasan ng anak ang lahat ng pinagdaanang treatments, sa kagat ng insekto pala siya bibigay.
Naging laman ng foreign news outlets ang kaso ni Marissa, na mula sa pamilya ng isang kilalang Greek shipping dynasty na ilang siglo nang nag-o-operate sa Greece.
Sa London isinilang at lumaki ang dalaga, at sa U.S. naman siya nag-aral ng high school at kumuha ng college degree sa musical theatre.
Matapos mag-graduate, bumalik siya sa London at nagtanghal sa entablado, kung saan naranasan niyang gumanap bilang Juliet sa stage play na Romeo and Juliet.
Read: Meet Daniel Quisa-ot, the detainee with 4 professional licenses
GREEK HEIRESS FOUND LIFELESS IN HER BED
Si Marissa ay natagpuang wala ng buhay sa kanyang higaan sa kanilang townhouse sa Knightsbridge, Central London, ulat ng British online media na The Independent, noong September 19, 2025.
Isinugod siya sa University College London Hospital noong September 10, dahil nakaramdam ito ng pagkahilo, pangangati, at mataas na lagnat, ayon sa kanyang mga kamag-anak.
Pagdating sa ospital, sumailalim si Marissa sa mga tests sa patnubay ng mga nurse at hindi raw doktor.
Nagawa pa raw niyang magpadala ng message sa isang kaibigan ng ganito: “nobody is checking up on me, nobody is coming.”
Makalipas ang apat na oras, binigyan lamang daw siya ng antibiotics at pinauwi na, saad pa rin ng isang family friend.
Kinabukasan, natagpuan siya ng kanilang kasambahay na wala nang buhay.
Inimbestigahan ang kanyang pagkamatay, subalit sinabi ng kanyang pamilya na sa official diagnosis ng mga docktor, “toxic effect of venom” na mula sa “animal or insect bite" ang ikinamatay ng dalaga.
Sa ulat ng Parapolitika, isang Greek newspaper, nagsalita ang ina ni Marissa na si Bessie.
Aniya, "My daughter was saved from cancer," kaya hindi raw niya matanggap na, "She was bitten by an insect, she was itchy, she went to the doctor, she took antibiotics, she ate, she slept, and she never woke up."
Nagdalamhati naman ang Greek community sa London dahil sa pagpanaw ni Marissa.
Nabanggit naman sa latest reports na inaakusahan ng pamilya na nagkaroon ng kapabayaan ang ospital sa pagkasawi ni Marissa.
Read: Life of Jenela in Japan: from nurse to care worker to vlogger
