What a comeback!
Napaiyak sa tuwa at pagkabigla ang Filipino-American singer na si Jessica Sanchez nang tawagin ang kanyang pangalan bilang grand champion ng ika-20 season ng America's Got Talent (AGT).
Sa kanyang Facebook Live ngayong araw, September 25, 2025, bulalas niya, "I cannot believe... that I am the winner. It's insane!"
Nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta sa kanyang journey.
Special mention ang judge na si Sofia Vergara.
"She really helped me get this far with the golden buzzer. I mean she really made that moment for me..."
Hindi niya nakalimutan si Simon Cowell, na isa ring judge at executive producer ng show.
"I've always wanted to sing in front of Simon ever since I was a little girl. He just showed me so much love, I mean throughout the whole season..."
Binanggit din niya ang mababait na staff ng AGT.
"They really, like, took good care of me. I'm, like, nine months pregnant."
Pagkatapos daw ng mga interviews ay matutulog siya, at kapag nagawa na niya lahat ng commitments, magpi-prepare siya for childbirth.
Aniya, "I just have to drive back to Texas and just prepare for baby girl..."

Umaga nitong Huwebes, September 25, 2025 (Philippine time), ginanap ang pag-announce ng winner matapos magtanghal ang sampung AGT finalists.
For her rendition of “Die With a Smile,” nakakuha si Jessica ng pinakamaraming audience text votes.
Read: Jessica Sanchez gets standing ovation at AGT finals
Tinalo niya ang rappers na sina Mama Duke, Micah Palace, at Chris Turner; aerialist na si Sirca Marea; light-up dance group na LightWire; singer-musicians na sina Steve Ray Ladson, Jourdan Blue, at Leo High School Choir; at dance group na Team Recycled.
Naiuwi ni Jessica ang $1 million o katumbas ng halos PHP58 million na cash prize.
JESSICA’S VICTORIOUS COMEBACK
Historic kung maituturing ang pagkapanalo ni Jessica sa sikat na talent competition sa U.S. dahil ito ang ikalawang beses niyang pagsali.
Kasama ang singer sa unang season ng AGT, na umere noong 2006.
Sampung taong gulang pa lamang siya noon.
Nakaabot siya sa wildcard round ngunit hindi nakapasok sa grand finals.

Bagama’t hindi pinalad, nagpatuloy si Jessica sa pag-abot ng kanyang pangarap—kahit pa ngayong siyam na buwang buntis siya sa kanyang unang anak.
Read: Jessica Sanchez debuts baby bump on social media
Noong July 16, sa muling pagsabak ni Jessica sa AGT audition, makalipas ang dalawampung taon ay nakakuha siya ng golden buzzer mula sa huradong si Sofia Vergara nang kantahin niya ang “Beautiful Things” ng American singer-songwriter na si Benson Boone.

JESSICA GRATEFUL FOR FANS' SUPPORT
Samantala, bago ianunsiyo ang pagkapanalo ni Jessica ay nauna na siyang nagpasalamat sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta ng kanyang mga tagahanga.
Sa kanyang Facebook Live noong Miyerkules, September 24, sinabi ni Jessica na utang niya ang lahat sa fans.
Sabi ng singer: "I just wanted to get on here and just thank you guys so much for all of the support. I am just overwhelmed by the amount of comments and the love that you guys have shown me.
"I love you guys so much. Thank you for bringing me this far. If you guys didn't know, I am nine months pregnant and I am a finalist on AGT and this has just been like such a dream.
"I didn’t think that I would make it this far and you guys made that possible for me. So I just want to thank you guys so much."
Bago AGT, in 2012, sumali si Jessica sa American Idol Season 11, kung saan tinanghal siyang runner-up at si Phillip Phillips naman ang naging grand winner.
