PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

British millionaire, 79, seeks Tinder match to bear his heir

He is Sir Benjamin Slade, a British aristocrat and 7th Baronet of Slade family.
by Bernie V. Franco
Published Sep 26, 2025
Sir Benjamin Slade
In a desperate search for an heir, a 79-year-old aristocrat tried his luck by looking for a "good breeder" through a dating app, a dating TV show, and even newspaper ads.
PHOTO/S: Sir Ben Slade on Facebook

Sa desperasyong magkaroon ng tagapagmana ang isang mayamang aristrocrat sa United Kingdom, sinubukan niyang maghanap ng pag-ibig sa kilalang dating app na Tinder.

Ito ang kuwento ni Sir Benjamin Slade, 79, ang 7th Baronet ng Slade family.

Ang baronetcy ay isang rank of honor sa Britain, at ang Slade Baronetcy—na owner ng Maunsel House sa Somerset County—ay nagsimula noong 1831.

Si Sir Benjamin ay naghahangad ng anak na lalaki para maging tagapagmana niya at maging 8th Baronet ng pamilya Slade.

Ito rin ang mamamahala sa 1,300-acre Somerset estate kunsaan nakatayo ang isang kastilyo at moor.

Sa sobrang kagustuhan—o desperasyon—ni Sir Benjamin na magkaroon ng tagapagmana, nag-try siya ng iba-ibang options.

Bukod sa Tinder, sumali rin siya sa isang reality-based dating game sa U.K., ang Millionaire Age Gap Love, kunsaan ang mga milyonaryong singles ay naghahanap ng pag-ibig. Nangyari ito noong 2020.

Pina-advertise rin ni Sir Benjamin noon sa diyaryo ang paghahanap niya ng babaeng “good breeder” na magbibigay sa kanya ng anak na lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahat ng ginawa niya sa paghahanap ng partner ay natalakay sa dating show.

Ikinasal na si Sir Benjamin dati, pero hindi siya nagkaanak, ulat ng Wales Online, isang digital media platform sa Wales, noong September 4, 2025.

Hindi naman nababahala si Sir Benjamin sa kakayahan niyang magkaanak pa sa kabila ng kanyang edad.

"I don't think I'm too old to have children because I have a nine-month supply frozen in a sperm bank and I can use that,” sabi niya noon sa TV program.

Read: Who is Kiko "Congressmeow" Barzaga?

TRYING TINDER

Isang member ng kanyang staff ang nagpakita kay Sir Benjamin ng Tinder.

Pumayag ang baronet at ginawan siya ng account. Pero pineke ang kanyang edad. In-adjust ito sa 56 noong panahong iyon.

Pero mukhang puro swipe left ang ginawa ni Sir Benjamin.

Dahil ang mga nakita niyang mga babae, ang madalas daw niyang komento ay “oh no, she’s dreadful” at “oh no, I don’t like that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging partikular din siya pagdating sa edad. Ayaw niya ng babaeng 30 o 40 years younger sa kanya.

Nang may makita siyang Tinder user na 58 years old, ang sabi raw niya, “[T]hat’s a bit old for me.”

Nagmungkahi siyang maghanap ng mga babaeng below 40.

Pero hindi naging successful ang kanyang pagsu-swipe. Sumuko rin siya at sinabing hindi para sa kanya ang dating app.

"They could be ladies of the night for all I know,” sabi pa ng British aristocrat.

Read: Life of Daniel Quisa-ot in prison before earning 4 licenses as engineer

BRITISH MILLIONAIRE'S PREVIOUS RELATIONSHIP

May nakarelasyon noon si Sir Benjamin, ang American poet and composer na si Sahara Sunday Spain, na mas bata ng 46 years.

Napaulat na nagkakilala sila sa pamamagitan ng isang elite co-parenting agency noong 2020. Nagkamabutihan ang dalawa.

Sahara Sunday Spain, Sir Benjamin Slade
American poet Sahara Sunday Spain and British artistocrat Sir Benjamin Slade.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

In the same year, sa pamamagitan ng In-Vitro Fertilization (IVF), nagkaroon sila ng anak na babae, si Violet.

Dalawang beses umurong si Sir Benjamin sa kasal nila ni Sahara “at the eleventh hour.”

Hindi rin nagpakita ng interes si Sir Benjamin na gawing tagapagmana ang anak na babae.

Pero ibinigay nito ang apelyido sa bata.

Naiulat noong 2022 na hindi pa nakikita ni Sir Benjamin ang kanyang anak, na pinatira niya, kasama si Sahara, sa isang enggrandeng 16th-century chateau sa France na pagmamay-ari ng pamilya ni Sir Benjamin.

Hindi rin maganda ang relasyon ng ex-couple.

Sa 2022 interview, ibinahagi ni Sahara na hindi rin niya alam noon kung pakakasalan talaga siya ni Sir Benjamin sakaling naging lalaki ang kanilang anak.

“I know Ben wanted a boy, but he didn't know the sex of the baby when he cancelled our second wedding," pahayag ng American poet sa interview ng Daily Mail.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Would he have had a change of heart if I'd have had a son? Only Ben knows that. But he has no interest in meeting Violet. His behaviour is devastating."

Sahara Sunday Spain and baby Violet
Sahara Sunday Spain with Baby Violet in 2020. Sir Benjamin Slade called off his wedding to Sahara twice.

Mukhang bigo na si Sir Benjamin na magkaroon ng tagapagmana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napaulat na nakipag-usap na siya sa isang luxury hotel group para i-manage ang malawak niyang estate property.

“I’ve got a deal with a hotel group. They’re very upmarket,” ani Sir Benjamin sa Hotel Report.

Pinayagan siyang gamitin ang heritage house ng tatlo hanggang apat na beses sa isang taon, pero kailangan daw niyang magbayad para sa privilege na ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a desperate search for an heir, a 79-year-old aristocrat tried his luck by looking for a "good breeder" through a dating app, a dating TV show, and even newspaper ads.
PHOTO/S: Sir Ben Slade on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results