PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Korean actor Lee Dong Gun diagnosed with rare disease

Lee Dong Gun’s illness affects just 1% of South Koreans.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 1, 2025
Lee Dong Gun diagnosed with rare progressive illness on air
South Korean singer-actor Lee Dong Gun was diagnosed with ankylosing spondylitis, a rare spinal disease that affects only 1% of Koreans.
PHOTO/S: Screengrab SBS Entertainment on YouTube

Ikinagulat ng mga tagahanga ng South Korean singer-actor na si Lee Dong Gun ang pagkaka-diagnose sa kanya ng rare disease na ankylosing spondylitis.

Nalaman ni Lee Dong Gun ang kanyang kondisyon nang mag-guest siya sa reality show na My Little Old Boy noong September 28, 2025.

Sa nasabing episode ay sinamahan ng programa ang aktor sa mga dapat nitong gawin sa maghapon.

Kabilang na rito ang pagpunta sa hospital para ipa-checkup ang kanyang namumulang kanang mata.

Lee Dong Gun diagnosed with rare progressive illness on air
Photo/s: Screengrab SBS Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito inamin ni Lee Dong Gun sa doktor na mahigit isang taon na siyang may uveitis o pamamaga ng uvea, ang gitnang bahagi ng mata na binubuo ng iris, ciliary body, at choroid.

Read: Jeric Raval "nadulas" sa pag-aming may mga anak na sina AJ, Aljur

Lahad ni Lee Dong Gun sa doktor na nag-examine sa kanya (isinalin sa English), "When it’s not severe, I feel like my eyes are bloodshot and my focus is slightly off.

"When symptoms worsen, even light becomes painful. My right vision has significantly deteriorated."

Doctor says Lee Dong Gun MIGHT have ankylosing spondylitis

Makaraang makausap ng doktor, isinailalim agad si Lee Dong Gun sa ilang medical tests.

Dito na lumabas na mayroong ankylosing spondylitis ang Lovers in Paris actor.

Read: Dark underarms? Protester turns body-shaming into a statement

Nakita sa X-ray ang matinding pamamaga ng kanyang sacroiliac joint o kasukasuang nagdurugtong sa sacro—malaking triangular na buto sa dulo ng gulugod (bahagi ng spine na malapit sa puwetan) at ilium—parte ng balakang o pelvic bone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Lee Dong Gun diagnosed with rare progressive illness on air
Lee Dong Gun told the doctor that he has had repeated onset of the inflammation of the uveitis.
Photo/s: Screengrab SBS Entertainment on YouTube

Ayon sa Mayo Clinic, ang ankylosing spondylitis ay isang uri ng arthritis na nagdudulot ng matagalang pamamaga sa gulugod o spine.

Lumalabas na sa malulubhang kaso, maaaring hindi na maituwid pa ng pasyente ang kanilang ibabang likod.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod sa likod, maaari ring maapektuhan ang mga mata (uveitis) at paghinga ng isang pasyenteng dumaranas ng ganitong sakit.

Matatawag na rare ang mga may kaso nito dahil one percent lang sa kabuuang populasyon ng South Korea ang tinatamaan nito.

Bagamat wala pang lunas ang ankylosing spondylitis, maaaring makatulong ang pagpapa-therapy at ehersisyo para kontrolin ang sintomas at mapabagal ang paglala nito.

Dahil sa diagnosis kay Lee Dong Gun, pinayuhan siya ng doktor na maging mapanuri sa kanyang mga kinakain.

Pinagbawalan din siya sa paninigarilyo at pag-inom ng alak upang makatulong na makontrol ang pamamaga ng kanyang sacroiliac joint.

WHO IS LEE DONG GUN?

Taong 1998 nang pasukin ni Lee Dong Gun ang mundo ng showbiz bilang singer.

Ilan sa mga kilalang kanta ni Lee Dong Gun ay "May my wish to reach the sky," "Whenever," at "The Shadow."

Pagkalipas ng ilang taon ay pinasok din niya ang mundo ng pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga K-drama series na pinagbidahan niya ay ang Lovers In Paris (2004), Sweet 18 (2004), Leverage (2019), at Celebrity (2023).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Korean singer-actor Lee Dong Gun was diagnosed with ankylosing spondylitis, a rare spinal disease that affects only 1% of Koreans.
PHOTO/S: Screengrab SBS Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results