Pumanaw na ang tanyag na English primatologist, zoologist, at anthropologist na si Jane Goodall.
Siya ay 91.
Kinumpirma ng Jane Goodall Institute ang kanyang pagpanaw nitong October 1, 2025.
Nakasaad sa kanilang statement: “With great sadness, the Jane Goodall Institute confirmed this morning the passing of the organization’s founder, Dr. Jane Goodall, age 91 who died peacefully in her sleep while in Los Angeles, CA for her speaking tour in the United States.
"Dr. Goodall’s life and work not only made an indelible mark on our understanding of chimpanzees and other species, but also of humankind and the environments we all share. She inspired curiosity, hope and compassion in countless people around the world, and paved the way for many others — particularly young people who gave her hope for the future.”
Binanggit dito ang mga kontribusyon ni Jane para sa kanyang larangan, tulad ng Gombe Stream National Park sa Tanzania, ang longest-running wild chimpanzee study na itinayo niya noong 1960.
“She pioneered and sustained the Jane Goodall Institute’s community-centered conservation initiatives across the chimpanzee range for over four decades.
“Her legacy includes the creation of JGI’s international environmental and humanitarian youth program Roots & Shoots, which is actively driving change in 75 countries and counting around the world.”
Pinasalamatan ng kanyang kampo ang lahat ng mga sumusuporta at nagmamahal kay Jane.
Read: Can shirataki rice really help you lose weight?

WHO IS JANE GOODALL?
Si Jane ay isinilang sa Hampstead, London, England, noong April 3, 1934.
Noong 1960, nagpunta si Jane sa Tanzania at naging assistant ng paleontologist and anthropologist na si Louis Leakey.
Sinimulan ni Jane ang pag-aaral at pag-o-observe ng chimpanzees.
Walang formal academic training si Jane pagdating sa pag-aaral ng primates.
Isa pa, dahil dekada ’60 noon, ang field of study na ito ay dominated ng mga lalaki kaya nagmarka si Jane.
Ginawaran si Jane ng Ph.D. in ethology ng University of Cambridge noong 1965.
Isa si Jane sa mabibilang na kandidatong nabigyan ng Ph.D. kahit walang A.B. degree, ayon sa Britannica.com.
Nabigyan din siya ng maraming honorary doctorate degrees mula sa iba’t ibang universities abroad tulad ng France, Canada, Taiwan, Ireland, Belgium, at iba pa.
Nakapagsulat din si Jane ng maraming libro at naitampok sa iba’t ibang documentaries.
Iba’t ibang karangalan at pagkilala ang iginawad kay Jane dahil sa kanyang body of work.
Ibinigay sa kanya ang titulong Dame bilang Dame Commander of the Order of the British Empire noong in 2003.
Noong 2019, kinilala siya ng TIME Magazine bilang isa sa 100 most influential people in the world.
Noong 2021, tinanggap niya ang Templeton Prize.
Ang pinakahuling award na natanggap niya ay ang Presidential Medal of Freedom mula kay former US President Joe Biden noong January 2025.
JANE GOODALL'S CLOSE ENCOUNTERS WITH THE PRIMATES
Si Jane Goodall ay nakilala dahil sa kanyang di matatawarang kontribusyon sa pag-aaral sa behavior ng primates, partikular ang chimpanzees.
Inilaan niya ang kanyang 60 taon sa pag-aaral ng mga ito na itinuturing na isa sa “most significant findings of the 20th century,” ayon sa CNN.
Halimbawa, nadiskubre ni Jane sa kanyang pag-aaral na kayang gumawa ng sarili nilang tools ang mga chimpanzee.
Nakita ni Jane kung paano talupan ng isang chimpanzee ang isang stick para gamiting pantusok sa punso o mound sa paghahanap ng anay bilang pagkain.
Ikinamangha ito ng scientists dahil ang akala nila ay mga tao lamang ang may ganitong kakayahan.
Si Jane din ang nakadiskubre na ang chimpanzees ay omnivorous o kumakain ng meat at halaman. Dati kasi ay inakalang herbivores lamang ang chimpanzees.
Kilala rin si Jane sa kanyang conservation efforts at adbokasiya para matulungan ang mga mahihirap na komunidad sa mga bansang kanyang nabisita, partikular sa Africa.
Read: How long do eggs stay fresh? Here’s what you need to know.
