Pumanaw na ang legendary American actress na si Diane Keaton.
Kinumpirma ng spokesperson ni Diane sa People ang malungkot na balita, ngunit wala pang detalyeng ibinibigay.
Nakasaad sa maikling statement: “There are no further details available at this time, and her family has asked for privacy in this moment of great sadness.”
Kalaunan ay lumabas ang impormasyon mula sa TMZ na isinakay si Diane sa ambulansya mula sa kanyang tahanan sa California, noong Sabado ng umaga, October 11, 2025 (U.S. time).
Si Diane ay 79.
Read: MMFF 2025 official entries: A mix of horror, comedy, drama, thriller
Ikinagulat ng marami ang biglaang pagkamatay ni Diane.
Sabi ng isang malapit na kaibigan ng aktres sa People: “She declined very suddenly, which was heartbreaking for everyone who loved her.
“It was so unexpected, especially for someone with such strength and spirit.”
Naulila ni Diane ang kanyang dalawang adopted children na sina Dexter at Duke. Hindi siya kailanman nag-asawa.
DIANE KEATON'S ACTING CAREER
Isa si Diane Keaton sa itinuturing na well-loved actresses sa Hollywood.
Isinilang siya noong January 5, 1946, sa Los Angeles.
Ang tunay na pangalan ng aktres ay Diane Hall, ngunit ginamit niya ang maiden name ng kanyang ina na Keaton bilang screen name.
Nagsimula ang kanyang acting career noong 1968 nang maging bahagi siya ng original Broadway production ng musical na Hair.
Nang sumunod na taon, 1969, ay na-nominate siya bilang Best Featured Actress in a Play sa Tony Awards para sa comical play ni Woody Allen na Play It Again, Sam.
Ipinalabas ang una niyang pelikula, Lovers and Other Strangers, noong 1970.
Taong 1972 nagsimulang umalagwa ang kanyang movie career nang gampanan niya ang papel bilang Kay Adams Corleone sa classic film na The Godfather ni Francis Ford Coppola.
Ilan pa sa memorable films ni Diane noong '70s ay ang film adaptation ng Play It Again, Sam (1972), Sleeper (1973), The Godfather Part II (1974), Love and Death (1975), Looking for Mr. Goodbar (1977), Interiors (1978), at Manhattan (1979).
Taong 1978 nang manalong Best Actress si Diane sa Oscars para sa kanyang role sa 1977 Woody Allen film na Annie Hall.
Read: Architect explains why jalousie windows are more practical

Na-nominate din siya sa Oscars bilang Best Actress para sa mga pelikulang Reds (1981), Marvin's Room (1996), at Something's Gotta Give (2003).
Ang ilan pa sa mga nagmarkang pelikula ni Diane ay Crimes of the Heart (1986), Baby Boom (1987), Father of the Bride (1991), Manhattan Murder Mystery (1993), The First Wives Club (1996), The Family Stone (2005), Finding Dory (2016), at The Book Club (2018).
Huli siyang napanood sa big screen sa pelikulang Summer Camp noong 2024.
Read: Mandy Moore, hot topic ngayon dahil sa kanyang new look
