Nagluluksa ang mga mamamayan ng Thailand dahil sa pagkamatay ni Queen Mother Sirikit noong Biyernes, Oktubre 24, 2025.
Siya ay 93.
Si Queen Sirikit ang ina ng kasalukuyang hari ng Thailand na si King Maha Vajiralongkorn o King Rama X.
Read: Social media influencer Emman Atienza dies at 19
Ang Bureau of the Royal Household ang nag-anunsiyo tungkol sa pagpanaw ng Queen Mother.
Bahagi ng kanilang pahayag: “Her Majesty’s condition worsened until Friday and she passed away at 9:21pm … at Chulalongkorn Hospital at age 93.”
Nakaratay si Queen Sirikit sa Chulalongkorn Hospital mula pa noong Oktubre 17, 2025, dahil sa sepsis o impeksyon sa dugo.
Ginawa ng mga doktor ni Queen Sirikit ang lahat para malunasan ang kanyang karamdaman pero unti-unting lumala ang kundisyon niya.
Naglabas ng Royal Command si King Vajiralongkorn na magdaos ng Royal Funeral na may pinakamataas na karangalan na naaayon sa royal tradition para sa kanyang namayapang ina na namayapa.
Nakatakdang iburol ang mga labi ni Queen Sirikit sa Dusit Maha Prasat Throne Hall sa Grand Palace.
Binigyan ni King Rama X ng permiso ang Royal Family at ang mga royal servant na magluksa sa loob ng isang taon.
Bilang bahagi rin ng tradisyon ng mga Thai, ititigil muna ang festive activities.
Posibleng matamaan nito ang Miss Universe 2025 na nakatakdang idaos sa Impact Challenger Hall in Pak Kret, Nonthaburi, Thailand, sa November 21.
Read: Veteran choreographer Anna Feliciano dies at 65
QUEEN SIRIKIT ASCEND THE THRONE
Isinilang si Queen Sirikit bilang Mom Rajawongse Sirikit Kitiyakara noong August 12, 1932.
Nagmula siya sa aristocratic family; ang ama niya ay si Prince Nakkhatra Mangala at ang kanyang ina ay si M.L. Bua Kitiyakara.
Nang manilbihan ang kanyang ama bilang Thailand ambassador sa France, nakilala niya sa Paris ay noo'y prinsipe pa lamang na si King Bhumibol Adulyadej.
Pinakasalan ni King Bhumibol Adulyadej (Disyembre 5,1927-Oktubre 13,2016) si Queen Sirikit noong Abril 28,1950.
Naging ganap ang pagiging reyna niya sa coronation ceremony ng kanyang asawa noong Mayo 5, 1950.
Noong 1976, idineklara ng pamahalaan ng Thailand na national holiday ang araw ng kapanganakan ni Queen Sirikit kaya ipinagdiriwang ng mga Thai ang kanyang kaarawan tuwing Agosto 12.
Read: Former Pinoy Dream Academy contestant Davey Langit dies
QUEEN SIRIKIT'S VISIT TO THE PHILIPPINES
Minsan nang bumisita sa Pilipinas sina King Bhumibol at Queen Sirikit noong Hulyo 1963.
Sa pitumpong taon ng pagiging hari ni King Bhumibol sa Thailand, isang beses lamang sila nagpunta ni Queen Sirikit sa Pilipinas.
Nangyari ito noong si Diosdado Macapagal ang Pangulo ng bansa.
Isang state dinner ang inihanda ni Macapagal para sa Thai royal couple na binisita rin ang Baguio City sa pamamagitan ng pagsakay sa tren.