PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TikTokers ordered by court to wed after posting kissing videos

This happened in Nigeria.
by Bernie V. Franco
Published Oct 27, 2025
Idris Mai Wushirya, Basira Yar Guda.
Idris Mai Wushirya and Basira Yar Guda, two Nigerian TikTok stars, went viral for their videos showing them cuddling and kissing like a couple. As a result, a court ordered them to get married within 60 days. Here’s the latest update.
PHOTO/S: TikTok

Pinag-uusapan online ang balita ukol sa dalawang TikTok celebrities sa Kano, Nigeria, na inutusan ng isang korte na magpakasal matapos mag-post ng kanilang kissing videos.

Sa utos ng mahistrado, dapat makasal sila within 60 days.

Naging kontrobersiyal ang videos sa Kano, ang largest city sa north Nigeria kung saan Islam ang main religion.

Ayon sa BBC, kasama ang lugar na ito sa rehiyon na nagpapatupad ng Sharia law, ang legal system ng Islam na hango sa Koran, pati na rin sa Sunnah and Hadith, na tungkol sa "deeds and sayings" ng propetang si Muhammad.

Noong August 2021, naging laman ng international media ang Kano dahil sa pagpapatupad nito ng paggamit ng headless mannequins sa mga clothing shops dahil "Islam frowns on idolatry," ayon sa hisbah o commander ng Sharia police na si Haruna Ibn-Sina.

THE TIKTOK INFLUENCERS

Samantala, pinangalanan ang dalawang TikTok influencers: sina Idris Mai Wushirya at Basira Yar Guda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga nakalipas na buwan, nag-collab ang dalawang content creators sa paggawa ng mga videos na animo ay couple sila—ayon sa report ng TRT Africa, isang digital news platform.

Ang kanilang video content, na nagpapakita ng kanilang paglalambingan at paghahalikan, ay nakakuha ng milyun-milyong views.

Pero naeskandalo rito ang mga residente ng Kano.

Sinabi ng mga awtoridad na ang content ng dalawa ay sumasalungat sa "moral" at "religious" views ng Islam.

Sa unang ulat, sinabing hinuli ng mga pulis si Mai Wushirya at ikinulong bago iniharap sa korte.

Nagtago naman si Yar Guda matapos pumutok ang isyu.

Kinumpirma ng Sharia police, ang Nigerian police authority, na natanggap nito ang court order na nag-uutos sa dalawang online influencers na paghandaan ang kanilang kasal.

Ayon pa sa ulat ng Sharia, sinabi ni Mai Wushirya na nagmamahalan daw sila ni Yar Guda.

Pero ang mas malalim na isyu rito ay ang mahigpit na censorship ng konserbatibong Nigerian religious authorities sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang Nigerian content creators na ang nakulong nitong mga nakalipas na taon dahil sa paglabag ng kanilang content, ulat ng AFP noong October 21, 2025.

Read: Fake lawyer threatens motorist with fake gun in Laguna road rage

UPDATE ON THE REPORT

May latest update ang BBC News Pidgin website, subsidiary ng BBC sa Nigeria, na inilabas nitong October 23.

Sa tulong ng online translation (anythingtranslate.com), nai-translate ang news update mula sa salitang Pidgin English.

Tinawag na “dirty and immoral” ng korte at ng censorship board ang video ng dalawang content creators.

Lumalabas na hindi ito ang unang offense ni Mai Wushirya, na dating nahuli dahil sa content niyang gumagamit ng “bad language” at “immoral content.”

Sinabi ni Mai Wushirya na napilitan lamang siyang sabihin sa mga pulis na nagmamahalan sila ni Yar Guda.

Nagko-collab lang talaga sila ni Yar Guda.

Nung pinatawag si Mai Wushirya ng censorship board, sinabihan daw siyang hindi magiging mabigat ang parusa sa kanya dahil mas matindi pa ang nagawa ng ibang content creators.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero ikinagulat daw ni Mai Wushirya ang desisyon ng korte na kailangan nilang magpakasal ni Yar Guda.

Sinabi lang daw ni Mai Wushirya sa mga pulis na nagmamahalan sila ni Yar Guda dala ng takot sa puwedeng mangyari sa kanya.

Ang worry ni Mai Wushirya ngayon, ayon sa BBC News Pidgin, “I'm really worried this marriage might be the worst regret of my life.

"The reason I'm doing comedy videos with that girl is because she needs help. Her situation isn't easy, and only God and a few kind people are helping her. I just keep her close because I feel sorry for her."

Nagbigay naman ng reaksiyon ang Nigeria Bar Association (NBA) na walang anumang korte ang maaaring mamilit sa kahit sino man na magpakasal.

"It is unconstitutional and unlawful for any court to have the power to give that kind of order," sabi ni NBA President Mazi Osigwe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isyu raw ay sumasalamin sa pagtapak ng boundaries ng judicial authority ng Nigerian constitution sa fundamental rights ng mga tao.

Nagtawag ng meeting ang NBA president para pag-aralan ang ibinabang hatol ng mahistrado, at nanawagan ito sa judicial authorities na huwag pahintulutan ang kasal.

Sa pinakahuling ulat na lumabas nitong Linggo, October 26, sinabi ng Sharia police na kinansela na nila ang kasal na ipinag-utos ng korte.

Ito ay kahit pa nagkaroon na ng preparasyon para rito at maging sa titirhan nila bilang mag-asawa.

Read: Student buying iPhone 17 Max Pro sparks online debate

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Idris Mai Wushirya and Basira Yar Guda, two Nigerian TikTok stars, went viral for their videos showing them cuddling and kissing like a couple. As a result, a court ordered them to get married within 60 days. Here’s the latest update.
PHOTO/S: TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results