Inaprubahan ng isang family court sa Istanbul, Turkiye, ang divorce ng mag-asawang nakilalang sina Bugra B., ang husband, at si Ezgi B., ang wife.
Sa ulat ng Turkish news outlet na www.dexerto.com last October 25, 2025, dalawang taon nang kasal ang couple.
Ang husband ang nag-file ng divorce.
Ang dahilan: severe incompatibility and a breakdown in the foundation of their marriage.
Ang kakaiba sa divorce settlement sa pagitan ng couple, bukod sa nagkasundo sila sa full termination ng marriage, magbabayad si Bugra B. kay Ezgi B. ng PHP763,815.

Bukod dito, tinalakay rin ng korte ang kahihinatnan ng mga pets nila.
Napagkasunduan ng magkabilang panig na ang husband ay dapat magkaloob ng financial support and care arrangements para sa kanilang two cats.
Read: TIPS: How to be a responsible pet owner
HUSBAND TO give financial SUPPORT for PETS
Ang naging divorce settlement nina Bugra B. at Ezgi B. ay nagbibigay-diin sa lumalaking atensiyon sa animal welfare under the family law ng Turkiye.
Bukod sa natanggap ni Ezgi B. na divorce settlement mula kay Bugra B., ang ex-husband ay pumayag ding magbigay sa ex-wife kada tatlong buwan ng PHP13,983.69 bilang suporta sa kanilang two cats.
Ang ganitong kasunduan ng ex-couple pagdating sa dalawang pusa ay tatagal ng hanggang 10 years.
Ang payments ay posible pang tumaas taun-taon depende sa Consumer Price Index na ilalathala ng Turkish Statistical Institute.
Na kay Ezgi B. naman ang full custody sa dalawang pusa batay sa kanilang naging agreement.
Read: Meet Max: Internet’s most human-looking dog
COUPLE’S CASE A PRECEDENT FOR FUTURE DIVORCE AGREEMENTS
Bakit kailangan ding suportahan ni Bugra B. ang kanilang two cats matapos nilang maghiwalay ni Ezgi B.?
Sa ilalim ng Turkish law, ang pets ay itinuturing na movable property.
Gayunpaman, batay sa recent rulings sa ilalim ng Animal Protection Law No. 5199, pinapayagan din ang mga korte na aprubahan ang agreements kaugnay ng custody, care, and financial support of animals pagkatapos ng divorce.
May mga nauna nang kaso sa Turkiye na kahalintulad ng nangyari kina Bugra B. at Ezgi B. na pinag-usapan kung kanino mapupunta ang pets.
Pero ang kaso ng couple ay notable dahil malinaw na naka-establish dito ang structured, long-term financial support para sa pets.
Inaasahang magsisilbing precedent ang nangyari kina Bugra B. at Ezgi B. for future divorce agreements sa Turkiye kapag may involved na animals.
Read: Aunt blames niece after accidentally eating dog food during visit
