Last October 30, 2025, nagkita-kita ang tatlong billionaires para kumain ng fried chicken at uminom ng beer sa isang maliit na restaurant sa Gangnam district ng Seoul, South Korea.
Ang tatlong billionaires ay sina Nvidia CEO Jensen Huang, Samsung Electronics executive chairman Lee Jae-yong, at Hyundai Motor Group executive chairman Chung Eui-sun.

Ang pagkikita-kita ng tatlo ayon sa report ng South Korean local news outlet na Bloter19 ay isang “equal parts publicity stunt.”

Isa rin itong cultural gesture at paunang selebrasyon sa napapabalitang pagsasama-sama ng tatlong billionaires para sa bagong Artificial Intelligence (AI) partnerships.

Sabihin pa, dumagsa ang spectators sa lugar na kinainan ng tatlong billionaires.
Maya’t maya ang kumislap ng mga flash ng camera mula sa media, social media influencers, at netizens.
Higit sa lahat, naging mabenta ang South Korean fried chicken.
Read: Man eats 3 kilos of gummies for 3 days; ends up in hospital
BILLIONAIRES ENJOY THEIR “CHIMAEK”
Idinaos ng tatlong billionaires ang kanilang pambihirang bonding sa Kkanbu Chicken.
Isa itong local franchise na sikat dahil sa inio-offer nitong “chimaek," combo ng chicken and beer na sikat sa South Korea.

Pinagsaluhan nila ang platters of crispy chicken, cheese sticks, and cold beer.
Ang kanilang mesa ay sadyang ipinuwesto malapit sa bintana ng restaurant.
Kitang-kita ng mga miron ang kanilang ginagawa, lalo na kapag nagto-toast sila.
Bihira ang ganitong senaryo sa South Korea, lalo pa’t karamihan sa mga pamilyang nagmamay-ari ng malalaking negosyo gaya nina Lee at Chung ay pinipilit umaktong low profile sa harap ng publiko.
Si Huang na suot ang kanyang signature black T-shirt ay nakikipaghuntahan sa mga miron.

Patayu-tayo ito mula sa kanilang “billionaires’ table” para magbigay ng pagkain sa mga nagdaraan.
Paulit-ulit din niyang sinasabi sa mga naroroong taga-media na: “I love fried chicken, and I love beer, and I love fried chicken and beer with my friends.”
Read: Life story of Amol Kohli: Waiter at 15, restaurateur at 37
BILLIONAIRES BONDING’S EFFECT ON SOUTH KOREA’S STOCK MARKET
Makalipas lang ang ilang minuto, kumalat na sa social media ng South Korea ang video clips ng tatlong billionaires.
Ang event ay tinawag ng local media outlets na “Jensanity” moment.
Ang Jensanity ang term na ginagamit para i-describe sa South Korea at Taiwan ang frenzy and adoration tungkol kay Huang.
Kinabukasan, mas lumaganap ang hype dahil naapektuhan maging ang stock markets.
Ang shares ng Kyochon F&B, isa sa largest fried-chicken chains ng South Korea, ay tumaas ng 20 percent.
Tumaas naman nang 30 percent ang poultry processor Cherrybro Co. sa daily trading limit.
Lumakas din ang Neuromeka—isang kumpanya na gumagawa ng chicken-frying robots.
Ayon sa staff ng Kkanbu Chicken kung saan nag-bonding ang tatlong billionaires, lumaki rin ang benta nila sa lahat ng franchise matapos kumalat ang balita.
May mga outlet silang naubusan ng fried chicken.
Read: Newlyweds divorce over feuding pets
WHO AMONG THE BILLIONAIRES FOOT THE BILL?
Ang marketing strategy na ipinakita ng tatlong billionaires ay nagbigay-diin sa lumalawak na pattern ng pagnenegosyo sa South Korea.
Ang retail investors ay sadyang lumilikha ng sudden, meme-driven surges na nakaugnay sa cultural or political moment.
Bukod sa viral meal, may strategic weight din ang dinner ng tatlong billionaires.
Si Huang ay dumalo sa ginanap na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO summit kamakailan.
Doon ay inianunsiyo niyang ang Nvidia ay magsu-supply ng mahigit 260,000 advanced graphics processing units sa South Korean firms, kabilang ang Samsung at Hyundai.
Ang chips ay gagamitin para mapalakas ang kakayahan ng bansa sa artificial intelligence sa iba’t ibang sectors, kabilang ang semiconductors and robotics.
Ang kanyang kumpanya ang pinakauna sa kasaysayan na nakaabot sa US$5 trillion market capitalization.
Si Huang din ang nagbayad sa kinain at ininom ng tatlong billionaires.
Ang kanilang bill ay inabot ng US$1,800 o PHP105,935.40.
Nag-iwan din siya ng note sa kanyang dalawang naka-bonding na nagsasaad na: “To our partnership and the future of the world.”
Read: Meet Pavel Durov, the man behind Telegram and Dubai’s richest man
