Pinayagang ikasal sa Notre-Dame Cathedral ang karpinterong si Martin Lorentz sa kanyang partner na si Jade noong October 25, 2025.
Ang Notre-Dame Cathedral ay makasaysayang 800-year-old structure sa Paris, France, kunsaan ikinasal ang mga sinaunang dugong bughaw.
Tampok ito sa nobela ni Victor Hugo na The Hunchback of Notre Dame (1831).
Muli itong binuksan nito lamang December 2024, matapos dumaan sa rebuilding.
Nasunog kasi ang cathedral noong 2019.
MARTIN LORENTZ'S WEDDING
Monumental ang kasal ni Martin dahil noong 1995, o tatlong dekada na ang nakakaraan, ang huling kasal na idinaos sa Notre-Dame.
Ang dahilan: isang cathedral daw kasi ito at hindi isang parish church.
Para maikasal sa cathedral, kailangan ng permiso ng arsobispo ng lugar.
Ilan sa historical figures na ikinasal sa Notre Dame ay sina Mary, Queen of Scots at Francis II (1558), King James V ng Scotland at Madeleine ng Valois (1537), King Charles I ng England at Henrietta Maria ng France (1625), at Emperor Napoleon III at Eugenie de Montijo (1853).
Pero bakit naging exemption si Martin?
Si Paris Archbishop Laurent Ulrich ang nagbigay ng special permission kay Martin bilang pagkilala sa kontribusyon nito sa reconstruction ng Notre-Dame, ayon sa National Catholic Register website.
Isa kasi si Martin sa mga karpinterong tumulong para muling maipatayo ang cathedral.
Nasa 2,000 manggagawa at 250 companies ang nagkaisa para sa reconstruction ng cathedral.
Pumayag ang arsobispo, pero ang kondisyon niya ay “one off” lamang ito o hindi na mangyayari uli.
Ang kasal ni Martin ay dinaluhan ng 500 bisita, kabilang ang mga kapamilya, kaibigan, at mga kapwa karpintero ni Martin.

Read: Which makes grilled food taste better: charcoal or gas?
THE WEDDING
Sa seremonya, naging makahulugan ang mga pahayag ni Monsignor Ribadeu Dumas:
“Jade and Martin, welcome to this cathedral. Martin, you know it well—you know it from above,” patukoy sa pagiging karpintero ni Martin sa pagkumpuni ng simbahan.
Punung-puno ng pasasalamat si Martin sa pangyayari.
“I just want to say that this is the best day of my life. I don’t think I can say anything else,” aniya sa mga reporters sa araw ng kasal.
“I want to share my love, our love, with the whole world, with everyone who needs it.”
Dream come true para kay Martin na maikasal sa historical cathedral na itinayo muli kasama siya.

Read: Money-saving tips for couples with financial obligations
