PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

All NewJeans members set to return to ADOR after legal dispute

Earlier this year, the NewJeans members rebranded as NJZ.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 13, 2025
All NewJeans members set to return to ADOR after legal dispute
All five members of NewJeans are due to return to record label ADOR. Hanni, Haerin, Hyein, Danielle, Minji (L-R) announced in a statement.
PHOTO/S: NJZ.OFFICIALS ON INSTAGRAM

Kumpirmadong magbabalik ang K-pop girl group na NewJeans sa pangangalaga ng ADOR, subsidiary ng giant entertainment company na HYBE.

Nitong Miyerkules, November 12, 2025, naglabas ng pahayag ang NewJeans members na sina Minji, Hanni, at Danielle para isapubliko ang desisyon nilang tatlo na magbalik sa ADOR, makaraan ang naging hidwaan nila sa nasabing label.

Mababasa sa kanilang official statement (base sa English translation ng Soompi.com):

"Hello. This is Minji, Hanni, and Danielle.

"Recently, we decided on our return to ADOR after careful discussion.

"This was relayed late as one member is currently in Antarctica, but as ADOR is not responding at the moment, we are inevitably announcing this through a separate statement.

"We will continue greeting you with sincere music and performances. Thank you."

Ang deklarasyon na ito nina Minji, Hanni, at Danielle, ay nangyari ilang oras matapos isapubliko ng ADOR ang pagbabalik sa kanila ng dalawa pang miyembro ng New Jeans na sina Haerin at Hyein.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ADOR, parehong nagpahayag ng intensiyon sina Haerin at Hyein na ipagpatuloy ang kanilang mga aktibidad sa ilalim ng kanilang kompanya, bagay na kanila naman daw pinahintulutan.

Saad nila (ayon sa English translation ng ADOR): "NewJeans’ members Haerin and Hyein have expressed their intent to continue their activities with ADOR.

"After careful consideration and thorough discussions with their families, the two members have decided to respect the court’s ruling and uphold their exclusive contracts."

Sa kanilang pagbabalik, nangako ang kompanyang gagawin nila ang lahat upang maging maayos ang pagbabalik at pagpapatuloy ng mga aktibidad ng dalawa, kalakip ang kanilang pasasalamat sa mga patuloy na nagmamahal sa grupo.

Anila: "ADOR will do our utmost so that Haerin and Hyein can continue their entertainment activities smoothly.

"We ask for the fans’ warm support and urge everyone to refrain from making unfounded speculations about the members."

NewJeans rebrands as NJZ after unilateral split from label

Ang pagbabalik sa ADOR ng sikat ng K-pop girl group ay nagdulot ng kaguluhan sa marami nilang mga tagahanga, lalo na noong February 2025 nang magpalit ng pangalan ang grupo—mula sa NewJeans ay naging NJZ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Asia Artist Awards 2023, full list of winners
Photo/s: Screengrab from Asia Artist Awards 2023 / Lazada

Read: K-pop girl group NewJeans unveils new group name

Nangyari ito ilang buwan matapos kumalas sa ADOR ang NewJeans.

Noong November 28, 2024, nagpatawag ng emergency press conference sina Minji, Hanni, Danielle, Haerin, at Hyein para pormal na isapubliko ang desisyon nilang i-terminate ang kanilang exclusive contract sa ADOR at HYBE.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa grupo, napagdesisyunan nilang umalis sa kinabibilangang ahensya dahil sa ilang paglabag umano ng mga ito sa kanilang exclusive contract.

Bagamat ginawa na raw nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makipag-ayos sa ADOR — katulad na lamang ng pagpapadala nila rito ng certification of contents — ay hindi raw nagpatinag ang label sa kanilang mga hinaing.

Laman ng certification of contents ang kanilang mga reklamo, kabilang na ang pagtawag sa kanila bilang "disposable" ng HYBE at misconduct umano ng ahensya sa dati nilang director na si Min Hee-jin.

Hiniling daw ng grupo sa ahensya na sagutin isa-isa ang mga ito sa loob ng labing-apat (14) na araw, ngunit tila pinagwalang-bahala ito ng ADOR at HYBE.

Read: NewJeans leaves ADOR, HYBE; reassures fans activities to proceed

HYBE CONTROVERSy

Noong October 2024, humarap sa katakut-takot na batikos ang HYBE matapos kumalat ang kanilang internal report na naglalaman ng mga dokumento ukol sa panlalait at pangmamaliit nila sa K-pop stars at groups mula sa mga katunggali nilang talent agencies gaya ng SM Entertainment, JYP Entertainment, at YG Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito'y matapos mabunyag ang pinakatatagong dokumento ng HYBE nang kuwestiyunin ng National Assembly’s Culture, Sports, and Tourism Committee audit ang weekly music industry report ng higanteng ahensya.

Napag-alamang sa halos 18,000-page document na inilatag ng HYBE sa kanilang executives, naglalaman ito ng "malicious comments on looks and skills, unverified rumors, and more" ng mga K-pop artist ng iba't ibang talent agencies.

Kabilang sa nabanggit sa dokumento ang pangalan ng mga sikat na grupong aespa, Stray Kids, NCT Dream, IVE, (G) I-DLE, at NJZ (dating NewJeans).

Read: SEVENTEEN's Seungkwan defends co-idols amid HYBE controversy

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
All five members of NewJeans are due to return to record label ADOR. Hanni, Haerin, Hyein, Danielle, Minji (L-R) announced in a statement.
PHOTO/S: NJZ.OFFICIALS ON INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results