PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chinese police debunks ex-EXO member Kris Wu's death in prison

Authorities in Jiangsu Police labeled the circulating claims as “fake news."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 18, 2025
Chinese police debunks ex-EXO member Kris Wu's death in prison
Chinese authorities debunk death rumors surrounding former EXO member Kris Wu, who is currently serving a 13-year prison sentence for sex crimes.
PHOTO/S: Kris Wu on Instagram

Trigger warning: Mention of rape, sexual abuse

Mariing kinondena ng Jiangsu Provincial Police ang kumalat na balitang pumanaw na ang Chinese-Canadian pop star at dating EXO member na si Kris Wu.

Noong November 15, 2025, pinag-usapan sa Chinese website na Weibo ang pagpanaw umano ni Kris habang siya ay nasa loob ng bilangguan.

Read: Imee Marcos, may hamon sa pamangkin na si Sandro Marcos

Isang nagpakilalang kasamahang inmate ni Kris ang nag-post at nagsabing pinapatay umano si Kris dahil "he's failing to meet the sexual demands of local gang leader."

Bukod pa rito, may lumabas ding isyung pumanaw diumano si Kris dahil nagkasakit ito na lumala nang siya ay mag-hunger strike sa loob ng kulungan.

Bagamat walang maipakitang matibay na ebidensiya, labis itong pinag-usapan sa social media, kunsaan ilan sa mga tagahanga ng dating C-pop star ang nag-alala sa kalagayan ng kanilang idolo.

Chinese authorities debunk online rumors about Kris Wu

Para wakasan na ang mga espekulasyon, naglabas ng pahayag ang Jiangsu Provincial Police upang pabulaanan ang mga kumakalat na balita tungkol kay Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Chinese police debunks ex-EXO member Kris Wu's death in prison
Kris debuted in 2012 as a member of EXO before leaving the group in 2014.
Photo/s: Kris Wu on Instagram

Ayon sa awtoridad, maging sila ay nagulat sa lumabas na balita dahil nasa maayos daw na kalagayan ang pop star.

Nilinaw rin ng pulisya na hindi si Kris ang inmate na kanilang ini-interrogate sa kumalat na litrato online.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahayag nila rito (ayon sa Soompi.com): "The photo circulating online was created by replacing the face of an original inmate in a past news report with Kris’s face."

KRIS WU jailed to 13 years for sex crimes

May kabuuang labintatlong (13) taong pagkakakulong ang naging sentensiya ng Beijing court kay Kris, matapos siyang mahatulang guilty sa kasong rape at sexual offenses.

Noong August 1, 2021, unang na-detain si Kris matapos akusahan ng 19-anyos na estudyante na biktima siya ng date-rape.

Read: Chinese-Canadian pop star Kris Wu detained for alleged rape

Ayon sa salaysay noon ng biktima, nakipagkita siya kay Kris sa pag-aakalang bibigyan siya nito ng trabaho, ngunit nauwi ito sa inuman at kalauna'y ginahasa siya habang siya ay lasing at walang malay.

Ang pagsisiwalat na ito ng estudyante ang naging daan upang lumantad ang iba pang naging biktima ng kilalang pop star.

Base sa ulat ng South China Morning Post, noong November 25, 2022, lumabas sa isinagawang imbestigasyon ng Beijing's Chaoyang District People’s Court na mula November hanggang December 2020 ay tatlong babae pa ang ginahasa ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliban sa kasong rape, nahatulan ding guilty ang former EXO member sa kasong "crime of assembling a crowd to engage in sexual promiscuity" noong July 2018.

Si Kris ay unang sumikat nang naging miyembro siya ng all-male K-pop group na EXO noong 2012.

Taong 2014 nang iwan niya ang grupo at magdesisyong maging solo artist sa China.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chinese authorities debunk death rumors surrounding former EXO member Kris Wu, who is currently serving a 13-year prison sentence for sex crimes.
PHOTO/S: Kris Wu on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results