Magiliw na sinagot ni Steve Byrne ang mga tanong ng pageants fans tungkol sa Miss Universe 2025.
Sa video na pinost ng Miss U host sa kanyang Facebook account kahapon, November 22, 2025 ay nilinaw niya ang ilang issue tungkol sa kontrobersiyal na pageant.
Matatandaang maraming umalma sa naging resulta ng patimpalak, na naganap noong Biyernes, November 21, 2025, sa Thailand.
Read: Mexico crowned Miss Universe 2025: Ahtisa Manalo is 3rd runner-up
Nasungkit ni Miss Mexico Fatima Bosch ang korona. First runner-up naman si Miss Thailand Praveenar Singh, second runner-up si Miss Venezuela Stephany Abasali, third runner-up si Miss Philippines Ahtisa Manalo, at 4th runner-up si Miss Côte d'Ivoire Olivia Yacé.
Read: Who is Fatima Bosch, Miss Universe 2025?
Matapos ang pag-anunsiyo ng resulta ay naglabasan ang ilang issue ng dayaan. Nagsalita pa nga tungkol dito si Omar Harfouch.
Saad ng Lebanese-French composer, nag-resign siya sa judging panel dahil sa nagaganap na dayaan bago pa man magsimula ang pageant finals.
Read: Resigned Miss Universe 2025 judge: "Miss Mexico is a Fake winner"
Kaugnay nito, nag-post si Steve sa Facebook ng isang larawan kung saan hawak niya ang isang papel na naglalaman ng resulta pageant.

Ngunit hindi pa rin kumalma ang mga nakakita nito. Ayon sa comments sa post ni Steve, baka raw binasa niya nang pabaliktad ang resulta.
STEVE RESPONDS
Sa video response ni Steve ay agad niyang itinanggi na mali ang pagbasa niya sa papel.
“I didn't read it backwards. I definitely didn't make up my own winners. I wouldn't even know how to judge the criteria,” saad niya.
Dagdag pa niya, malamang ay agad siyang iwawasto ng pageant officials kung nagkamali siya.
“Had I messed it up, the director, pageant officials, they would have been in my ear with the earpiece or probably stormed the stage to be honest with you.”
Binati rin ni Steve ang pagkapanalo ni Miss Mexico, pero inamin niyang iba ang kanyang manok.
“I'll be honest, when I was watching everything unfold, especially in the final five, I thought Miss Cote d'Ivoire was going to win. That's who I thought was going to win. Miss Mexico won, so congratulations to her,” paliwanag niya.
Alam daw ni Steve na malaki ang pressure ng pagho-host ng Miss Universe dahil sa nangyari kay Steve Harvey.
“So I hope I did a great job. I had a wonderful time doing it. It was an honor and a privilege and a thrill to do it,” aniya.
Sa huli ay pinuri niya ang 120 contestants na dumalo sa patimpalak.
“And I'll tell you the best part about it, meeting all 120 of those women, because they were fantastic. They were so gracious. They exemplified such poise, and they were awesome,” sabi ni Steve.