PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Husband wins PHP226M lotto jackpot prize; hides it from wife

He lives in secret luxury.
by KC Cordero
Published Nov 27, 2025
Man in a jacuzzi
Dahil mahigpit sa pera ang wife, nang tumama sa lotto ang husband ay inilihim niya iyon dito. Pasikreto at solo rin siyang nagpakasasa sa kanyang milyones. (Photo for illustration purposes only courtesy of Pexels)

Nanalo ng 600 million yen o PHP226 million jackpot prize sa lotto ang isang husband sa Japan.

Inilihim niya ito sa kanyang misis na sobrang higpit sa pera para makapamuhay siya nang masagana.

Ang pangyayaring ito ay ibinalita ng Japanese media outlet na The Gold Online.

Na-pick up at iniulat naman ito ng South China Morning Post last November 24, 2025.

Napag-alamang 66 years old na ang husband, na kinilala lamang sa tawag na “S.”

Isa siyang retirado at dating nagtrabaho sa isang malaking manufacturing company sa Japan.

Read: Lotto bettor finds out he hit the jackpot almost one year later

HUSBAND’S LIFE BEFORE WINNING THE LOTTO JACKPOT

Si S at ang kanyang misis ay naninirahan sa Tokyo.

May combined monthly pension sila na 300,000 yen o PHP113,107.83.

Halos sapat lang ito sa mataas na standard ng pamumuhay sa kanilang lugar.

Man drinking coffee
Simple lang ang buhay retirado ng husband bago ito naging milyonaryo. Photo for illustration purposes only courtesy of Pexels
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Palatambay si S tuwing umaga sa isang local coffee shop para mag-almusal at magbasa ng newspaper.

Pag tapos na siyang mag-breakfast, bumibili siya ng lotto tickets sa isang malapit na outlet.

Ang presyo ng iaang lotto ticket ay 300 yen o PHP113.11.

Pagbabakasakali sa lotto ang kanyang tanging pansariling luho dahil nga mahigpit sa pera ang kanyang asawa.

Read: Man wins lotto; loses girlfriend and the money

HUSBAND’S INITIAL REACTION UPON LEARNING HE HIT THE LOTTO JACKPOT

Hindi nabanggit ang eksaktong petsa kung kailan tumama si S sa lotto.

Nasuwertihan niya ang jackpot prize.

Ayon sa mga ulat, pagkabigla ang kanyang unang naging reaction.

Para kay S, baka nananaginip lang siya.

Napakalaki kasi ng premyong napanalunan niya.

Nakaramdam siya ng bahagyang takot, pero makalipas ang ilang sandali, na-realize niyang ang posibilidad na manalo sa lotto ay mas mababa pa kaysa tamaan ng kidlat.

Kaya naisip ni S, ang pagwawagi sa lotto ngayon ay isa lang sa napakarami niyang karanasan sa buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: World’s luckiest man Frane Selak escapes death 7X, wins lotto

HUSBAND HIDES EXACT LOTTO JACKPOT AMOUNT FROM WIFE

Sa halip na sabihin sa kanyang wife—na sobrang tipid at napakahigpit humawak ng kanilang budget—nagdesisyon si S na itago rito ang panalo sa lotto.

Baka raw kasi hindi niya ma-enjoy pag nalaman nito.

Kasi naman, nang ikasal sila noon ay pinagbawalan na agad siya nitong uminom ng serbesa.

Pinayagan naman siya nitong bumili ng kotse, pero luma na at sobrang mura.

Gayunpaman, sinabi pa rin niya rito na tumama siya sa lotto, pero hindi ipinagtapat ang totoong premyo.

Ang sabi lang ni S sa wife, five million yen o PHP1,884,884 ang kanyang napanalunan.

At gagamitin umano nila iyon sa pagpapaayos ng kanilang tinitirahan—na aprubado naman nito.

Read: Woman wins lotto; big brother demands half of her prize

HUSBAND SECRETLY LIVES IN LUXURY

Dahil hindi nagduda ang wife, palihim ang ginagawa ni S na pagpapasasa sa napanalunan sa lotto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-book siya sa iba’t ibang high-end hot spring resorts.

Naglibot din siya sa iba’t ibang lugar sa Japan.

Para hindi makahalata ang kanyang wife, kapag umaalis siya ay suot ni S ang mga lumang damit.

Umuuwi rin siya sa bahay nang hindi lampas sa dating oras.

Photo of a luxury car
Palihim din kung gamitin ng husband ang biniling luxury car. Photo for illustration purposes only courtesy of Pexels
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa malayong car park din ang kanyang biniling magarang kotse at nagbibiyahe lang siya papunta roon kapag gagamitin ito.

Medyo dumistansiya rin muna siya sa mga kaibigan at kakilala. Baka kasi makahalata ang mga ito na may itinatago siya.

Makaraan lang ang ilang linggo, nakaubos siya ng 18 million yen o PHP6,779,118.60.

Read: Couple that won billions in lottery ends 12-year marriage

HUSBAND FEELS GUILTY

Kahit naililihim ni S sa wife ang kanyang secret lifestyle, dumating daw sa puntong nakaramdam siya ng guilt at kalungkutan.

Kapag namamasyal kasi, nakikita niya ang ibang couples na masayang kasama ang kani-kanilang pamilya.

Nagbalik din sa kanyang alaala ang amang namatay nang nag-iisa at malungkot matapos makipaghiwalay sa ina niya at ma-bankrupt.

Sa kabila ng kanyang milyones ngayon, hindi niya madama ang lantay na kaligayahan.

Napagtanto ni S na ang mga nararamdaman ngayon ay bunsod ng kanyang lotto winnings.

Naisip niya, kung ang perang hawak ay pinagpaguran niya, tiyak na proud siya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero dahil napasakanya lang dahil sa suwerte, ganun na lang siya kung maglaspag—at ngayon ay naghahatid pa sa kanya ng malulungkot na alaalang yumayanig sa kanyang dati-rati ay payapang buhay.

Read: Boyfriend, nalamang tumama sa lotto ang girlfriend; nagpapabili ng kotse

HUSBAND INVESTS THE LOTTO WINNINGS FOR WIFE AND KIDS

Nang tuluyang mahamig na ni S ang sarili, nagkonsulta raw siya sa isang financial planner,

Nagdesisyon siyang mag-invest ng halos 500 million yen o PHP118,311,600 ng kanyang lotto winnings sa insurance.

Ginawa niyang beneficiaries ang wife at ang mga anak.

Umaasa siyang sa pamamagitan nito, sigurado ang maayos na buhay para sa kanyang pamilya anumang oras na sumakabilang buhay na siya.

Ang nangyari kay S ay isang perpektong halimbawa na ang biglang pagdating ng malaking pera sa mga ordinaryong tao, magkaminsan ay hindi talaga naghahatid ng tunay na kaligayahan.

Sa halip, nagiging ugat ito ng mga pagbabago sa ugali at personalidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa case ni S, mabuti na lang at na-revisit niya ang kanyang values at mas pinahalagahan ang importansiya ng pamilya.

Read: Lotto winner of PHP76.5B sues mother of his child for disclosing jackpot win to family

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil mahigpit sa pera ang wife, nang tumama sa lotto ang husband ay inilihim niya iyon dito. Pasikreto at solo rin siyang nagpakasasa sa kanyang milyones. (Photo for illustration purposes only courtesy of Pexels)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results