Isang “ginang” ang nagpunta sa isang munisipyo sa Mantua, Italy, para magpa-renew ng kanyang expired ID.
Ang ginang na dapat ay in her mid-80s ay naka-makeup, may short feminine cut, naka-retro blouse, at clip-on earrings.
Pero may napansing kakaiba ang municipal clerk: pinagdudahan niya ang ginang na nasa kanyang harapan.
Tumawag ng pulis ang municipal clerk, at nadiskubre sa imbestigasyon na ang ginang ay isa palang lalaki.
Nagpanggap ang lalaki bilang kanyang ina para makapagpa-renew ng ID at makuha pa rin ang pension.
Ito ay kahit patay na ang kanyang ina.
READ: Russian fitness coach and influencer Dmitry Nuyanzin dies after binge-eating challenge
THE INCIDENT
Nangyari ang insidente sa Registry Office ng munisipyo sa Borgo Virgilio sa Mantua.
Isang araw, dumating ang ginang na si Graziella Dall’Oglio, ulat kamakailan ng Corriere Della Sera, isa sa pinakamatandang pahayagan sa Italy.
Ang ginang ay dapat nasa 85 years old na. Pero napansin ng clerk na hindi mukhang 85 anyos ang ginang at may masculine features.
Itinawag niya ito sa kanyang boss, na ipinaalam naman sa mayor at sa mga pulis.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga pulis. Ikinumpara nila ang larawan ng ginang na kinunan sa city hall dalawang linggo na ang nakalilipas, at sa larawang nasa expired ID nitong kinunan isang dekada na ang nakalilipas.
Mas lalong tumindi ang kanilang hinala. Hindi sila kumbinsidong iisang tao lamang ang nasa dalawang larawan.
Doon nadiskubre ng mga kapulisan na ang nagtungo sa munisipyo ay ang 57-anyos na lalaking anak ng ginang.
Ang anak ay isang nurse na walang trabaho.
Hindi ini-report ng anak ang pagkamatay ng kanyang ina.
Read: Why doctors are often late, according to a doctor-vlogger
DEAD MOM MUMMIFIED
Pinagsuspetsahan ng municipal clerk ang ginang na nagpakilalang si Graziella Dall’Oglio dahil sa balat, kamay, at baba nito, ulat ng CNN nitong November 26, 2025.
Hindi na pinangalanan ang anak.
Nadiskubre ng mga awtoridad na ang totoong ginang ay namatay na pala noong 2022 pa.
Hindi ito ipinalaam ng anak sa mga kinauukulan.
Nang mag-expire ang ID ng ina, ang anak ay nagdamit-babae, nag-makeup, nagsuot ng wig, at nagpanggap bilang nanay niya.
Required ang personal appearance sa Italy para sa ID renewal.
Ipinatawag muli ang anak sa munisipyo.
May surveillance footage na makikita ang anak na nakadamit-babae nang bumaba sa parking lot. Dito ay sinalubong na siya ng mga pulis.
Natuklasan ding walang driver’s license ang anak.
Ang mas nakagugulat pa ay ang ginawa nito sa bangkay ng ina.
Nagtungo ang mga pulis sa bahay ng anak at doon natagpuan ang bangkay ng ginang.
Naka-preserve ito, ibinalot sa sleeping bags, at inilagay sa laundry room closet.
Diumano, tinanggalan ng anak na nurse ng fluids ang katawan ng ina sa pamamagitan ng syringe para hindi ito mabulok.
Ang lalaki ay sinampahan ng iba't ibang reklamo, tulad ng impersonation, forgery of public documents, pagtatago ng bangkay, at fraud against the state.
Ipinag-utos ang autopsy para matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng ginang.
Naka-detain ngayon ang lalaki.
Binanggit sa CNN report na ang state pension fraud ay “common” sa Italy.
Maraming Italians na ang naaresto dahil sa pagpapanggap bilang ibang tao para makakolekta ng pension.
Sa Italy, hindi well-coordinated ang death registries at public services kaya natatagalan bago mai-report ang mga pagkamatay.
Dahil dito, kadalasan ay patuloy ang pagpapadala ng pension sa locals hanggang sa maabisuhan ang local pension office na patay na ang pensioner.
