Isang 19 years old na binata ang nilapa ng isang female lion sa zoo sa Brazil.
Nasawi siya dahil sa mga tinamong sugat.
Ang nakakalungkot pa sa pangyayari, nasaksihan ng mga tao sa zoo nang atakehin ito ng lion.
Nakunan ng video ang pangyayari. Mapapanood ang lalaking bumababa sa poste na nasa loob ng kulungan ng leon. Habang pababa ito ay inabot siya ng nakaabang na leon saka ito inatake.
Nagkalat ang video sa social media.
Binanggit din sa mga ulat na sinadya ng lalaki na akyatin ang kulungang may pader na six meters ang taas para makapasok sa kulungan ng leon.
Kinilala ng Brazilian media ang binata bilang si Gerson de Melo Machado, ulat ng CBS News noong weekend.
Naganap ito sa Arruda Camara Zoobotanical Park sa Joao Pessoa, isang coastal city sa Brazil.
Naglabas din ng official statement ang city government.
“In a rapid and surprising manner, he climbed a wall over six meters high, scaled the security bars, accessed one of the trees, and entered the enclosure," saad sa pahayag.
Sa mga kumalat na video, makikita ang leon na pinangalanang Leona na nagpapahinga sa kulungan nito.
Bigla itong napatayo at pinuntahan ang poste nang makitang bumababa ang lalaki.
Nang mahila nito ang binata pababa, makikitang nilusob ang binata at naglaho sa halamanan na makikitang gumagalaw.
Binanggit sa pahayag na namatay ang lalaki mula sa mga sugat na tinamo mula sa hayop.

Read: PEP OUTTAKES: The boy who never enjoyed Christmas parties
INFORMATION ABOUT THE TEEN
Sa pahayag ng city government, binanggit sa kanilang initial investigation na, “the man’s action may have been a possible suicide attempt.”
Nagsalita rin ang isang government worker na nakasama ang binata.
Sabi ng child protection counselor na si Veronica Oliveira, walong taon niyang sinamahan si Machado na sumailalim sa “all the institutional care in this city.”
Sabi ni Oliveira, ang ina at grandparents ng binata ay may kondisyong schizophrenia.
Pero nilinaw ng state psychiatrists na "behavioral problem" lamang ang kaso ng binata.
Sinabi naman ni Oliveira, dapat daw ay sumailalim sa treatment si Machado.
Binanggit din ng counselor sa iba pang panayam na pangarap ng binata na maging lion tamer.
Minsan na raw itong nakalusot sa airport fence, nagtago sa landing gear ng isang eroplanong inakala niyang papuntang Africa.
Read: Kitchen hacks that fix dishes that turn too sour
WHAT HAPPENS TO LEONA
Isinarado ng ang zoo habang nagsasagawa ng imbestigasyon.
Naglabas ang pamunuan ng official statement:
"We reiterate that the park follows rigorous technical standards and safety protocols, and we are fully cooperating with all responsible bodies to clarify the facts.”
Hindi rin nila ikinonsidera ang euthanasia para sa leon dahil hindi naman daw ito nagpapakita ng aggressive behavior bago ang insidente.
Dumipensa rin ang park veterinarian na si Thiago Nery na sinabing may safety standards ang zoo lalo na ang kulungan ng leon.
“This incident was completely unforeseeable, outside any scenario within the park's routine," sabi ng vet.
View this post on Instagram
