PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cho Jin Woong announces retirement amid past misconduct

Korean actor leaves spotlight after juvenile delinquency accusations.
by Mark Angelo Ching
Published Dec 6, 2025
cho jin woong retirement
Signal star Cho Jin Woong: “I humbly accept all of this criticism and, as of today, will halt all activities, marking the end of my acting career. I believe this is the rightful responsibility and duty I must take for my past mistakes."

Magreretiro na sa pag-arte ang acclaimed Korean actor na si Cho Jin Woong.

Ito ang naging desisyon niya matapos lumabas ang ilang mga akusasyon na sumisira sa kanyang reputasyon bilang isa sa pinakasikat na artista sa South Korea.

Inanunsiyo ni Cho ang pagreretiro sa pag-aartista sa pamamagitan ng isang mensahe na inilabas ng kanyang agency ngayong Sabado, Disyembre 6, 2025.

Read: Meghan Markle, nag-reach out sa estranged father na sumailalim sa amputation

Pahayag ng 49-year-old actor na isinalin sa English: “I humbly accept all of this criticism and, as of today, will halt all activities, marking the end of my acting career.

"I believe this is the rightful responsibility and duty I must take for my past mistakes."

Himingi rin ng tawad si Cho sa kanyang fans.

“I sincerely apologize for disappointing everyone who believed in me and supported me due to my unfortunate past,” saad niya.

CHO JIN WOONG'S DARK PAST RESURFACES

Kahapon, December 5, isiniwalat ng online news site na Dispatch ang akusasyong pinagtakpan umano ni Cho ang nakaraan niya bilang isang youth offender sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan at birthday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayo pa sa ulat ng Dispatch, nakasuhan daw ng pagnanakaw ang batang si Cho dahil sa ilang carnapping incidents kasama ang kanyang barkada.

Bukod pa rito ay may nagawa rin daw si Cho na violent assault at drunk driving.

Binanggit din ng nasabing Korean online site na bukod sa pagnanakaw ay sangkot din umano si Cho sa isang kaso ng attempted rape.

Ngunit pinabulaanan ng Saram Entertainment, ang kinabibilangang talent agency ni Cho, ang akusasyon ng rape.

“We would like to make it clear that it had nothing to do with the sexual assault,” saad ng Saram sa kanilang karagdagang announcement.

Read: Kim Chiu sues sister Lakam for qualified theft

THE AFTERMATH

Matapos ang paglabas ng kontrobersiya ay agad naapektuhan ang acting career ni Cho.

Ayon sa report ng Korea Times, pinalitan na si Cho sa isang voice-acting project niya para sa SBS.

Hindi na rin matutuloy ang lead role niya sa second season ng sikat na dramang Signal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Taong 2004 nagsimula ang karera ni Cho sa pelikula nang nakasama siya sa pelikulang Once Upon A Time in High School.

Matapos nito ay napansin siya sa ilang supporting roles sa mga pelikula tulad ng Running Wild at Gangster High, noong 2006.

Umalagwa ang kanyang kasikatan mula noong 2011, nang makasama siya sa sunud-sunod na hit movies tulad ng The Front Line, Perfect Game, at Nameless Gangster: Rules of the Time.

At matapos ang ilan pang blockbuster movies ay naging bida si Cho sa TV drama na Signal noong 2015. Naging top-rating series ang Signal, at natanggap niya ang kanyang kauna-unahang Daesang o grand prize for acting dahil dito.

Dahil din sa Signal ay naging bida siya sa mga pelikula, tulad ng sa The Handmaiden noong 2016 at The Sheriff in Town noong 2017.

Noong 2013 ay pinakasalan ni Cho si Kim Min-a, na naging girlfriend niya sa loob ng pitong taon. Hindi isinapubliko ng mag-asawa kung mayroon na silang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dennis Trillo wins best actor at 2025 Asian Academy Creative Awards

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Signal star Cho Jin Woong: “I humbly accept all of this criticism and, as of today, will halt all activities, marking the end of my acting career. I believe this is the rightful responsibility and duty I must take for my past mistakes."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results