Nagsa-sideline bilang bus driver si Wong You-Nam, isa sa dalawang members ng Hong Kong boy-band duo na Shine, na ini-launch noong 2002.
Ang isa pang member ay si Chui Tien-You.
Pareho silang nag-venture sa pag-arte mula sa pagiging singers.
Kabilang sa mga pelikulang ginawa ni Wong ay ang Ip Man (2008), Gallants (2010), Gangster Pay Day (2014), at Over My Dead Body (2023).
Ang pinakahuling pelikula niya ay Measure in Love, na ipinalabas noong September 2025.
Read: Driver suspended after hurting magkakariton in front of his kid
THE VIRAL PHOTO OF WONG
Kamakailan, nag-viral ang actor-singer, na ngayon ay edad 42.
Nakunan siya ng larawan na nagda-drive ng bus.
Nagdesisyong magtrabaho si Wong bilang professional bus captain ng Hong Kong transport service na CityBus simula noong kumonti ang kanyang acting projects.
Sa pagtumal ng mga acting projects sa showbiz, naghanap ng iba pang mapagkakakitaan si Wong, at iyon ay ang pagiging driver.
Hindi naman niya ito itinatago.
Sa katunayan, may posts siya tungkol dito at gumagawa rin siya ng YouTube videos tungkol sa kanyang side hustle.
Lumalabas din na hindi lang ito pang-content lang. May video si Wong noong September 2025 na pinapakita ang pagdu-duty niya bilang bus driver.
Noong July 2025 naman ay may video rin siya na katabi niya ang isang bus driver at kinakausap ito ukol sa trabaho.
Sa isang Instagram post noong November 2025, inilahad ni Wong ang kinakaharap na hamon ng film industry.

Katatapos lamang ng birthday niya noon.
“After so many years in the industry, I have never seen so few movies being filmed,” ang translation ng kanyang post.
Sa kabila nito, malaki ang pasasalamat niya na nabigyan pa siya ng mga acting projects sa pelikula at telebisyon.
“Even if the roles are not too many, I will cherish every shot.”
Dito niya nabanggit na nag-venture siya sa content creation sa pamamagitan ng YouTube.
Na-document niya kung paano siya kumuha ng iba't ibang lisensiya para sa pagmamaneho ng taxi, van, at bus.
Sinubukan din daw niya ang racing o pagkarera.
“I really dare to try anything. I guess I should be the Hong Kong artist with the most different types of license plates…” biro niya.
Sa December 6 post niya sa Instagram, marami ang nag-encourage sa kanyang side hustle as a driver.
“Being a bus captain is not easy at all. In fact, I think everyone who works hard for life definitely deserves everyone's respect,” sabi niya.
Binanggit din niyang may oportunidad na dumating sa kanya kaugnay ng bago niyang trabaho.
Ang masaya niyang balita: “BTW I recently got another brand, which is a big tour bus. Next time I can invite a large group of people to travel around.”
