Nasawi sa plane crash ang tanyag na Colombian singer na si si Yeison Jimenez habang papunta sa kanyang concert.
Pumanaw ang 34-year-old singer, kasama ang apat na miyembro ng kanyang team pati na ang piloto at co-pilot ng eroplano, noong Sabado ng hapon, January 10, 2026.
Sumabog ang eroplano sa himpapawid ilang sandali matapos nitong mag-take off dakong 4:00 P.M. Nagliyab ito at bumagsak, ayon sa reports.
Kinumpirma ng kampo ng singer ang malungkot na balita sa pamamagitan ng Instagram.
Bahagi ng translated statement: “With heavy hearts and indescribable grief, Yeison Jiménez's organization and team deeply regret to announce his passing...
“Today, we not only say goodbye to an artist; we say goodbye to a son, a brother, a friend, a human being full of dreams and courage, who transformed his story into a source of hope for thousands.”
Mula sa bayan ng Boyaca, bibiyahe dapat ang grupo ni Jimenez sa Medellin, ikalawang pinakamalaking siyudad sa Colombia, para sa concert ng singer noong gabing iyon ng Sabado, ulat ng The Sun.
Kinumpirma ng Special Administrative Unit of Civil Aeronautics ng Colombia ang pagbagsak ng eroplano sa pamamagitan ng post sa X.
Iniulat din na ang small plane ay pagmamay-ari ng YJ Company SAS, ang kumpanya ng singer.
Ang photographer ni Jimenez na si Weisman Mora, na kasama sa mga nasawi, ay nagawa pang mag-post sa kanyang Instagram Story ng larawang kuha sa loob ng eroplano.
Kinunan ang larawan mula sa front passenger seat habang tumatakbo ang eroplano sa runway, ilang saglit bago ito sumabog.
Read: Pulmonologist warns public about “super flu”
WHO IS YEiSON JIMENEZ?
Si Jimenez, isang singer-songwriter, ay nagsimula ng kanyang singing career sa edad na pito.
Isa siya sa sikat na singers ng “Colombian popular music” o “musica popular,” ang genre tampok ang Mexican ranchera (tanyag na traditional Mexican music) na hinaluan ng Colombian roots, ulat ng Billboard.
Noong 2024, napatunayan ni Jimenez ang kanyang kasikatan nang tatlong beses niyang mapuno ang Movistar Arena, isang major indoor arena sa Bogota na may seating capacity na 15,500.
Noong 2021, ang kanta niyang “Tu Amante” ay naging No. 16 sa Regional Mexican Airplay ng Billboard charts. Naging No. 48 ang kantang ito sa all-genre Latin Airplay noon ding taong iyon.
Siya lamang ang Colombian artist na nakagawa nito.
Si Jimenez ay may 5.7 million followers sa Instagram.
Read: Jhenroniel Sanchez: Top 1 in bar exams is "very average student"
