Pumanaw si Leonid Radvinsky, ang Ukrainian-American na nagmamay-ari sa pornography content subscription service platform na OnlyFans, noong Marso 23, 2026.
Binawian ng buhay si Radvinsky sa edad na 43 matapos ang matagal na pakikipaglaban sa cancer.
Hindi tinukoy ang uri ng kanser ni Radvinsky, na binawian ng buhay sa Pomano Beach, Florida, USA.
Kinumpirma ng OnlyFans ang pagpanaw ni Radvinskys sa pamamagitan ng opisyal na pahayag.
Nakasaad dito: “We are deeply saddened to announce the death of Leo Radvinsky. Leo passed away peacefully after a long battle with cancer. His family have requested privacy at this difficult time.”
Naulila ni Radvinsky ang kanyang asawa na si Katie at ang kanilang apat na anak.
Read: Nic Chien reveals learning about parents’ split from Instagram comment
LEO RADVINSKY: GIFTED CHILD AND BILLIONAIRE
Ang pambihirang talino ni Radvinsky, na may palayaw na Lenya, ang inilahad ng kanyang estranged father na si Saveliy Radvinsky sa isang panayam.
Sinabi ni Saveliy na isang gifted child ang kanyang anak na likas ang hilig sa pornography.
"Lenya was an incredibly talented boy. He wrote his first virus at the age of nine. And he was always drawn to pornography, was involved in dating sites, all that stuff.
"By the age of ten, the gifted child was already causing his American peers to 'throw up,” kuwento ni Saveliy tungkol sa kanyang namayapang anak.
May estimated worth na US$4.7 billion si Radvinsky, na kilala sa pagiging low profile sa kabila ng global success ng OnlyFans kaya hindi nalaman ng publiko ang pagkakaroon niya ng malubhang karamdaman.
Noong nakaraang taon, may balitang nakikipag-usap na si Radvinsky para sa pagbebenta niya sa OnlyFans sa halagang US$8 billion.
Pero nahirapan siyang ipagbili ang adult content website na may 305 million subscribers dahil sa X-rated business model nito.
Read: Will Ashley buys dream car worth over PHP4.8M