PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: The true story behind dogs seen traveling together

What a dog squad!
by Bernie V. Franco
Published Mar 26, 2026
dog pack
Social media is abuzz with a viral story about a pack of dogs that allegedly escaped from an illegal transport truck linked to a dog meat operation. But how true is this claim?
PHOTO/S: X

Naantig ang maraming pet and animal lovers ukol sa nag-viral na kuwento ng pitong asong nakatakas umano mula sa illegal transport truck.

Magkakasama raw silang naglakbay ng 17 kilometers para makauwi sa kani-kaniyang amo.

Nailathala ang kuwento sa foreign sites.

Sunud-sunod ang pag-post ng mga netizens sa larawang sinamahan ng dramatic story.

Umabot sa 230 million views ang short video kunsaan mapapanood na magkakasama ang mga aso sa kalsada.

Pero gaano nga ba katotoo ang mala-pelikulang kuwento sa likod ng viral post?

Read: Examinee, four minutes late, barred from taking board exam

THE DOGs' VIRAL STORY

Sa ulat ng isang Asian foreign news site, sinabing hinuli raw ang pitong aso mula sa isang village sa northeastern China.

Pagkatapos, isinakay sila sa truck para dalhin sa isang dog-meat shop.

Kabilang sa mga breed ng mga asong nahuli ay Corgi, German shepherd, Golden Retrievers, Labrador, at Pekingese dogs.

May ilang meat restaurants umano sa northern China na nagse-serve ng dishes tampok ang dog meat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May paniniwala raw kasi ang mga residente roon na ang dog meat ay source of heat, na makakatulong sa lamig ng klima.

Noong March 16, isang grupo ng mga asong naglalakad sa isang highway sa Changchun, isang province sa Jilin, ang nakunan ng isang Chinese netizen.

Sa kuhang video, makikitang tila injured ang isang German Shepherd at mistulang nagmamasid naman ang Corgi at tinitiyak na walang nahihiwalay sa grupo.

Mukhang siya lamang ang nag-iisang saksi.

Ibinahagi ng netizen sa kilalang video-sharing platform sa China ang kanyang video at hinimok ang authorities na tulungan ang mga aso.

Nakarating ito sa local dog rescue na Bitter Coffee Stray Dog Base, na nagpakalat ng volunteers upang matunton ang mga aso at maibalik ang mga ito sa kani-kanilang owners sa village.

March 19, napaulat na nakauwi na ang mga aso sa kani-kanilang owners.

Mabilis na kumalat sa social media ang nasabing kuwento.

Hindi malinaw kung paano sabay-sabay na nawala ang mga aso, kaya naglabasan ang iba-ibang theories at versions, kabilang na ang pagkakadakip sa mga ito ng dog-meat shop.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May version ding ibebenta ang mga ito sa ibang pet owners.

THE REAL STORY

Subalit ibang-iba ang kuwentong lumabas sa ulat ng The Guardian.

Pahayag ng provincial culture and tourism bureau ng Jilin noong March 21, hindi dinakip ang mga aso at isinakay sa illegal transport truck.

Gumala ang mga ito.

“[T]he dogs had wandered off of their own accord, attracted by the German shepherd who was on heat and has been known to disappear for a few days at a time,” saad ng regional bureau.

Ipinapakita raw ng insidenteng ito ang “shortcomings of online information dissemination—a mixture of true and false information, where subjective speculation is easily taken as fact and spread.”

Makikita ring napakabilis kumalat at magpakalat ng maling impormasyon online.

Kaya ang paalala ng regional bureau: mahalagang tiyakin at i-verify ang sourcing. Kung may nag-claim na nasaksihan ang isang insidente. Hanapin ang pruweba.

Pagkatapos, humanap ng iba pang saksi para ma-verify kung totoo o imbento ang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Social media is abuzz with a viral story about a pack of dogs that allegedly escaped from an illegal transport truck linked to a dog meat operation. But how true is this claim?
PHOTO/S: X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results