Sampu sa 13 reklamong isinampa ng Hollywood actress na si Blake Lively laban sa former co-star at direktor niyang si Justin Baldoni ay ibinasura ng isang federal judge sa Southern District ng New York nitong April 3, 2026 (Philippine time).
Ang mga reklamo ni Blake, 38, laban kay Baldoni, 42, ay may kinalaman sa kanilang hidwaan nang magkatrabaho sila sa It Ends with Us, ang 2024 film adaptation ng nobelang isinulat ni Colleen Hoover.
Kabilang sa mga ibinasurang reklamo ni Blake ay may kinalaman sa diumano’y sexual harassment at smear campaign ni Baldoni laban sa aktres.
Naglabas noon ng pahayag si Baldoni na nakaranas umano siya ng mistreatment mula sa Hollywood actress habang ginagawa ang pelikula.
Ang natitirang legal complaints ni Blake laban kay Baldoni ay aiding and breach of contract at retaliation.
Ibinasura ni District Judge Lewis Liman ang karamihan sa legal complaints ni Blake, kabilang ang sexual harassment at defamation, ulat ng CNN.
Legal technicalities ang pangunahing dahilan kung bakit ibinasura ang mga reklamo ng aktres, tulad ng kanyang pagiging independent contractor sa halip ng pagiging employee.
Read: Blake Lively accuses Justin Baldoni of sexual harassment
BLAKE LIVELY REACTS
Naglabas naman ng reaksiyon ang kampo ni Blake kasunod ng development na ito.
Ayon sa kanyang legal team, ang isyung ito ay nakatuon upan mapatunayan ang paninirang puri ni Baldoni dahil sa pagsasalita ng kanilang kliyente ukol sa safety issue nang gawin nila ang It Ends with Us.
“For Blake Lively, the greatest measure of justice is that the people and the playbook behind these coordinated digital attacks have been exposed and are already being held accountable by other women they’ve targeted,” pahayag ng isa sa lawyers ni Blake na si Sigrid McCawley sa isang official statement sa PEOPLE.
“She looks forward to testifying at trial and continuing to shine a light on this vicious form of online retaliation so that it becomes easier to detect and fight.”
Read: Justin Baldoni counters Blake Lively's case with defamation suit
