Tatlong beses magpapakasal ang Thai superstars na sina Nadech “Barry” Kugimiya, 34, at Urassaya “Yaya” Sperbund, 33.
Naganap ang kanilang unang pag-iisang dibdib sa Khon Kaen, Thailand, ang probinsiya ng Thai-Austrian actor, noong Biyernes, Abril 17, 2026.
“Wedding event of the year” ang pagsasalarawan ng Thai media sa pag-iisang dibdib ng dalawa sa pinakasikat na artista ngayon sa Thailand.
Ikinasal sina Nadech at Yaya suot ang Isan, ang traditional clothing ng mga taga-Northern Thailand.
Ibinahagi ng adoptive mother ni Nadech na si Sudarat “Mae Keaw” Kugimiyasa sa Instagram ang ilang mga larawan at video na kuha mula sa idinaos na kasal.
View this post on Instagram
View this post on Instagram
View this post on Instagram
Nagpahayag ng matinding kasiyahan si Mae dahil makalipas ang labinlimang taon, ikinasal na ang anak niya sa Thai-Norwegian actress na si Yaya.
Si Nadech ay pamangkin ni Mae sa tunay na buhay. Ang mister ni Mae na si Yoshio Kugimiya, isang Japanese national, ang nakagisnan at kinikilalang ama ni Nadech.
Tatlong beses ikakasal sina Nadech at Yaya, pero hindi pa nila sinasabi ang mga petsa ng mga susunod na wedding ceremonies na magaganap sa Bangkok at sa Norway.
Read: Thai stars Nadech Kugimiya, Yaya Sperbund are now engaged
NADECH AND YAYA LOVE STORY
Nag-umpisa ang relasyon nina Nadech at Yaya nang magkasama sila sa Thai movie na Duang Jai Akkanee noong 2010.
Nangyari ang kanilang engagement sa Positano, Italy, noong Hunyo 2023.
Maraming Pilipinong tagahanga sina Nadech at Yaya dahil sa kanilang Thai drama series na may English title na Rising Sun 2, na napanood sa Heart of Asia channel ng GMA Network noong Enero 2021.
Ang The Desire, Switch, The Crown Princess, Hidden Love, at ang Thai version ng My Love From Another Star ang ilan sa mga drama series na pinagbidahan ni Nadech na napanood sa GMA Network.
Noong Disyembre 4, 2022, bumisita sa Pilipinas sina Nadech at Yaya para sa kanilang kauna-unahang fan meet na matagumpay na idinaos sa New Frontier Theater.
Lalong nadagdagan ang paghanga ng mga Pilipino kina Nadech at Yaya dahil sa kanilang mahusay at matatas sa Tagalog na pag-awit ng "Ikaw," ang hit song ni Yeng Constantino.
Read: Nadech Kugimiya, Yaya Sperbund perfect rendition of "Ikaw"