Hindi pinaboran ng South Korean prosecutors ang hiling ni Song Min Ho ng K-pop boy group na WINNER na muli siyang sumailalim sa military service upang mapawalang-sala sa kinakaharap niyang kasong paglabag sa Korea’s Military Service Act.
Noong April 21, 2026, isinagawa ng Criminal Division 10 ng Seoul Western District Court ang unang pagdinig sa kaso ni Song Min Ho.
Dito ay humingi ng paumanhin ang singer at inamin ang kanyang pagkukulang matapos hindi niya naisagawa nang maayos ang kanyang mandatory military service.
Ani Song Min Ho (ayon sa ulat ng Allkpop), "I deeply regret my actions. I sincerely apologize for disappointing so many people.
"I will faithfully participate in the trial proceedings."
Read: Bang Si Hyuk faces arrest over alleged investor fraud
Sa huli, nanindigan ang prosecutor na hatulan ng isang taon at anim na buwang pagkakakulong ang WINNER member.
SONG MIN HO'S MILITARY SERVICE VIOLATION
Nag-ugat ang kaso ni Song Min Ho matapos siyang pumasok sa mandatory military service bilang public service worker mula March 24, 2023 hanggang December 23, 2024.
Sa South Korea, obligadong magsilbi sa militar ang lahat ng lalaking mamamayan bilang bahagi ng kanilang pambansang depensa.
Karaniwang nagsisimula ang enlistment sa edad na 18 hanggang 28 taong gulang.
Read: Korean actor Alexander Lee exempted from mandatory military service
Nanatiling mahigpit ang patakarang ito dahil teknikal na nasa estado pa rin ng tensiyon ang South Korea at North Korea matapos ang Korean War noong 1950s.
Read: PEP FINDS: The handheld fans that will blow you away this summer
Maaaring magsilbi bilang sundalo o public service worker ang isang enlistee depende sa kanyang kalusugan at pisikal na kondisyon.
Lahat—maging ordinaryong mamamayan, celebrities, at K-pop idols—ay kinakailangang sumunod sa batas na ito.
Sa kaso ni Song Min Ho, humigit-kumulang 430 araw ang kailangan niyang bunuin sa serbisyo.
Gayunman, ibinunyag ng mga prosecutor na umabot sa 102 araw ang umano’y pagliban niya sa duty nang walang pahintulot.
Giit noon ng abogado ni Song Min Ho, noong panahong iyon ay nakararanas umano ang singer ng mental health issues, gaya ng bipolar disorder at panic attacks, gayundin ng "physical pain due to a cervical disc rupture."
Ito raw ang mga dahilan kung bakit kailangang lumiban ng K-pop idol ng ilang araw sa kanyang military service.

Ngunit sa ulat ng Dispatch, pinabulaanan nila ang mga salaysay ng legal counsel ni Song Min Ho.
Ayon sa nakuha nilang impormasyon, madalas sa mga araw na lumiban si Song Min Ho ay naiispatan lang daw ito na puma-party at nagka-camping trips kasama ang ilan niyang kaibigan.
Kaugnay nito, dawit din sa imbestigasyon ang nagsilbing service supervisor ni Song Min Ho, dahil sa umano’y iregularidad sa pagpapahintulot nitong lumiban ang singer sa kanyang military duties.
