Nagluluksa ngayon ang NBA community dahil sa biglaang pagpanaw ni Brandon Clarke sa San Fernando Valley, California, noong May 11, 2026.
Siya ay 29.
Kinumpirma ang malungkot na balita ng kinabibilangan niyang koponan sa National Basketball Association (NBA), ang Memphis Grizzlies, at ng kanyang agency, ang Priority Sports.
Sa kanilang statement, inilarawan nila si Clarke bilang “outstanding teammate and an even better person.”
Idinagdag nilang ang impact ni Clarke sa NBA at Memphis community “will not be forgotten.”
Naglabas din ng statement si NBA Commissioner Adam Silver upang ipahayag ang kanyang pagdadalamhati sa pagkamatay ni Clarke.
Tinawag niyang “a beloved teammate and leader who played the game with enormous passion and grit” ang pumanaw na NBA player.
Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang mga awtoridad sa sanhi ng pagkamatay ni Clarke, ngunit ayon sa ilang reports ay tinitingnan ng mga imbestigador ang posibilidad ng overdose.
Read: Actress Sue Prado dies at 44
WHO WAS BRANDON CLARKE
Si Clarke ay isinilang sa Vancouver, Canada, noong September 19, 1996.
Sa 2019 NBA Draft ay kinuha ng Oklahoma City Thunder bilang 21st overall, pero na-trade siya sa Memphis Grizzlies.
Ginugol ni Clarke ang kanyang buong NBA career sa Grizzlies, kung saan naging isa siya sa most beloved players ng franchise.
Napabilang si Clarke ng NBA All-Rookie First Team noong 2020 matapos siyang mag-average ng 12.1 points at 5.9 rebounds sa kanyang debut season.
Noong 2022, pumirma siya ng four-year, $50 million contract extension sa Memphis.
Bago siya nakapasok sa NBA, naging bahagi siya ng Gonzaga Bulldogs at San José State Spartans noong college.
