Bumawi ba ang French-Lebanese composer na si Omar Harfouch sa kanyang scoring sa Round 2 ng preliminary competition ng Miss Grand International (MGI) All Stars First Edition na ginanap nitong Huwebes ng gabi, May 28, 2026?
Kapansin-pansin na mas mataas na score na ang ibinigay niya kay Miss Laos Minnie Miranda Aengmany sa swimsuit competition na ginanap sa MGI Hall, Bravo BKK, Bangkok, Thailand.
5 out of 10 ang score ni Omar kay Miranda.

Nakunan din ng camera si Omar na tumayo na tipong nagbigay-pugay kay Miranda habang rumarampa ang kandidata sa swimsuit round.

Sa kanyang Instagram Story, ni-repost ni Omar ang isang mensahe tungkol sa pagbigay niya ng mataas na score kay Miranda.

Na-bash nang husto si Omar matapos niyang bigyan ng 1 point si Miranda sa Round 1 ng preliminary competition.
1 out of 10 sa Gown, ganundin sa Bare Face.
Pero nanindigan siyang ang kanyang mga score ay mula sa masusing "evaluations."
Read: Netizens rally behind Miss Laos following low MGI scores
OMAR LASHES BACK AT CHINESE MAN FOR SHOUTING AT HIM
Hindi naman nakaligtas kay Omar ang isang lalaki sa audience na sumigaw sa loob ng venue nang umakyat siya sa stage para sa isang photo opportunity.
Ipinost din niya ito sa Instagram.
Sabi ni Omar: "One person in the audience was clearly unhappy with my vote and expressed it loudly."

Pero ayon kay Omar, may nairita man daw sa kanya, meron din namang natuwa at ang iba ay nagpakuha pa ng picture kasama siya.

Kalaunan, pinangalan ni Omar ang sumigaw na lalaki — mister ng isa sa mga kandidata ng China na si Mika.
Lahad niya: "You want to know who was shouting at me in the audience tonight, who demanded that I remove my sunglasses?
"Well, here's the reality. The husband of Mika, the Chinese candidate who was clearly unhappy that I did not give her a higher score. He stood up and began shouting directly at me."

Ang ibinigay na score ni Omar kay Mika sa swimsuit competition ay 2, na pinakamababa sa lahat ng judges.

Nakatakdang ilabas ngayong hapon ang overall scores ng lahat ng mga kandidata.
Hindi ipinakita ang scores ng runway competition sa Round 2 kagabi.
Bukas, May 30, gaganapin ang grand finals ng MGI All Stars sa MGI Hall, Bangkok, Thailand.
Read: Catriona Gray excited for Gazini Ganados, backs Bea Windorski
