Isang doktor ang nakapukaw ng atensiyon ng netizens hindi lang dahil sinaklolohan niya ang isang pasyente habang nasa himpapawid, kundi dahil artistahin ito.
Nadiskubre na ang guwapong doktor ay isa rin palang atleta at musikero.
Kinilala ang doktor bilang si Ryan Cheung o Cheung Hoi-kit.
Kamakailan lamang ay naging laman ng foreign news sites, vlogs, at social media si Ryan.
Ayon sa reports, nagkaroon ng insidente sa eroplano ng Hong Kong Express na bumiyahe mula Hong Kong patungong Fukuoka, Japan.
Habang nasa himpapawid, isang middle-aged male passenger ang nawalan ng malay.
Kaagad na kumilos ang flight crew at binigyan ng first-aid assistance ang pasahero.
Naglabas ng in-flight announcement at tinanong kung may medical professionals sa flight na maaaring tumulong.
Nag-volunteer ang isang lalaking passenger at nagpakilalang doktor.
Tinulungan niya ang flight crew upang malapatan ng medical attention ang male patient.
Habang tinututukan ng crew at ng doktor ang pasyente, ang ilang pasahero ay itinutok ang kanilang atensiyon at camera phone sa guwapong doktor.
Isang pasahero ang nag-post tungkol sa doktor at sa nangyaring insidente sa eroplano via Xiaohongshu, isang kilalang Chinese social media platform.
Paglalarawan ng uploader, isang matangkad at “very handsome man” ang hindi nag-atubiling tulungan ang flight crew para lapatan ng lunas ang pasaherong nawalan ng malay.
Dito natukoy ang pagkakakilanlan ng doktor—si Ryan Cheung, na nagtapos ng medicine sa University of Hong Kong.
Sa kanyang Instagram account, makikita sa profile si Ryan na siya ay doktor, musician, at HYROX ambassador.
Ang HYROX ay ang sumisikat na indoor fitness competition ngayon.

Read: Christian Esguerra dismayed by takedown of YSpeak 2.0 guesting
HANDSOME DOCTOR, A MULTI-TALENTED MUSICIAN AND ATHLETE
Sa kanyang post noong May 1, 2026, tila kinumpirma ni Ryan ang kanyang identity sa nangyaring insidente sa eroplano.
Sa post, pinasalamatan niya ang netizens na bumisita sa kanyang Instagram account matapos mabasa ang naka-post sa Xiaohongshu.
Binanggit ni Ryan na nais niyang gamitin ang nakuhang atensiyon para isulong ang kanyang mga adbokasiya, tulad ng “positivity, health, and music.”
Ayon kay Ryan, sa ngayon ay sa Instagram pa lamang siya puwedeng i-follow. Pero balak daw niyang palakihin ang kanyang social media presence sa tamang oras.
Batay sa kanyang Instagram posts (photos and videos), si Ryan ay fluent sa English at Chinese.
Makikita rin ang snippets ng kanyang performances tulad ng pagkanta nang acoustic. Isa siyang singer-songwriter.
Makikita rin ang videos niya habang nagwu-workout at nagtatrabaho bilang doktor.
Sa isang video clip, nagbahagi si Ryan ng ilang “fun facts” ukol sa kanya bukod sa pagiging doctor-musician.
Sabi niya: “I was a Hong Kong athletics team representative for the 1500 and mile.
“I starred in a movie with Andy Lau. I played the doctor that tended to his character’s wounds.”
Naging front act din siya ng Norwegian musical duo na M2M sa kanilang Hong Kong concert noong 2025.
Read: Ex-seminarian becomes cleaner in Canada; now realtor with 30 houses
