Nagwakas na ang 14-taong relasyon ng Girls Generation member na si Choi Sooyoung, 36, at ng K-drama actor na si Jung Kyung Ho, 42.
Sumambulat ngayong Martes, June 9, 2026, ang ulat ng isang Korean media outlet na tinapos na nina Sooyoung at Jung Kyung Ho ang kanilang relasyon dahil sa pareho nilang busy schedules.
Kinumpirma ng talent agencies na namamahala sa career ng dalawa ang balita.
Ayon sa SARAM Entertainment, kung saan kabilang si Sooyoung: “It is true that they have broken up. They have decided to remain good colleagues.”
Saad naman ng agency ni Jung Kyung Ho nay Management Allum: “It is true that they have broken up. As it is a private matter, it is difficult to provide further details.”
Read: Tessa Prieto opens up about ex-husband's "infidelity"
ONE OF SOUTH KOREA'S BELOVED COUPLES
Bago ang kanilang breakup, kilala sina Sooyoung at Jung Kyung Ho bilang isa sa long-term couples sa Korean entertainment industry.
Nagsimula ang kanilang relasyon noon pang 2012, pero isinapubliko lamang nila ito noong January 2014 sa gitna ng dating rumors.
Bukod sa pagiging long-time member ng girl group na Girls Generation, active din si Sooyoung sa pag-arte.
Kabilang sa mga K-drama na kinabilangan niya ay ang Dating Agency: Cyrano, My Spring Days, If You Wish Upon Me, at Second Shot at Love.
Nagkaroon din siya ng cameo role sa Hollywood movie na Ballerina (2025).
Si Jung Kyung Ho naman ay isa sa most reliable K-drama leading men.
Ilan sa mga pinagbidahan niyang drama series ay Smile You, Heartless City, Endless Love, Missing 9, Prison Playbook, When The Devil Calls Your Name, Hospital Playlist, Crash Course in Romance, Oh My Ghost Clients, at Pro Bono.
