Isang 21-anyos na babae ang nasawi matapos itong hindi kabitan ng kable o safety ropes nang mag-bungee jump ito sa Brazil.
Namatay si Maria Eduarda Rodrigues de Freitas, 21, nang ihagis ito ng instructors mula sa tulay para sa bungee-jumping activity sa Cordeiropolis sa Sao Paulo noong Sabado, June 13, 2026.
Sa kasamaang palad, nakalimutan daw i-check ng staff kung kinabitan ng safety ropes ang dalaga bago siya ihagis mula sa tulay na may taas na 131 feet o halos 40 meters.
Nakunan pa ng videos ang pangyayari at makikita ang iba’t ibang anggulo.
Mapapanood ang pagbuhat sa dalaga ng tatlong jump instructors para sa kanyang bungee jumping.
Kapansin-pansin na walang nakakabit na safety ropes sa biktima.
Sa isang kumalat na video, maririnig ang pagsigaw ng ilang saksi nang mapansin nilang hindi nakatalii ang dalaga nang ihagis ito ng jump instructors.
Malinaw na may pagkukulang sa panig ng instructors.
Pero ano nga ba ang totoong nangyari?
Read: Kenneth Marcelino defends Kenneth Cabungcal's open letter: "Na-overshoot lang ni Al."
JUMP INSTRUCTORS' EXPLANATION
Tatlo sa anim na jump instructors ang idinetena dahil sa insidente.
Inere ng Fantástico, isang long-running weekly TV news magazine sa Brazil, ang testimonya sa mga pulis ng tatlong instructors.
Ayon sa kanila, hindi nila matukoy kung sino sa kanila ang responsable sa pagkakabit ng safety ropes bago ang jump.
Sabi ng isa sa na-detain na si Luis Felipe Feliciano Egoroff, walang sinusundang “fixed division of duties” sa kanilang team, at pinaghahati-hatian nila ang pagtse-check ng equipment.
"Sometimes we don't put it in, someone else checks, someone else puts it in. Sometimes one person does it, then another comes and sees if it's right. That's more or less how it was," lahad ni Egoroff.
Nang tanungin ng pulis kung siya ba ang responsable sa paglalagay ng safety ropes sa dalaga, hindi raw niya maalala.
Ayon naman sa isa pang instructor na si Maicon Fernandes Cintra, isa siya sa mga nagtse-check ng equipment.
Subalit hindi raw niya maalala kung nalagyan niya ng safety cables ang biktima.
Pinag-aaralan ngayon ng mga pulis na magsampa ng kasong homicide with implied malice laban sa mga suspek.
Ipinaliwanag naman ng abogado ng tatlong instructors kung bakit hindi makapagpaliwanag nang maayos ang kanyang mga kliyente.
Sabi nito: “They are in a state of shock, they can’t explain what happened, because they’ve been doing this for years. There has never been a similar event.”
Iniimbestigahan din ng mga pulis ang pagkawala ng camera ng biktima na umano'y hawak nito nang gawin ang bungee jump.
Hindi raw nila makita ang device.
